Senator Sherwin Gatchalian | Food Panda | Photo credit to the owner |
Sa panahon ngayon, isa ang credit card sa pinaka-karaniwang paraan ng pagbabayad sa online o offline transactions. Hassle-free ika nga at mas ligtas dahil hindi mo na kailangang magbitbit ng salapi sa iyong bag o bulsa.
Ngunit paano kaya kapag sa di inaasahang pagkakataon ay nahack ang iyong credit card? Paano na kapag nalaman mo na nacharge ka na ng isang milyon dahil may ibang gumamit nito at nagorder online ng napakaraming pagkain?
Tulad na lamang ng nangyari sa public servant at senador na si Sen. Sherwin Gatchalian na diumano ay nahack ang credit card at nag-order ng P1M worth of food sa Food Panda sa loob lamang ng isang oras.
Pinaabot ng senador ang pagkadismaya at ibinahagi ang pangyayari sa kanyang twitter account.
Senator Gatchalian's tweet | Credit to his Twitter account |
"My credit card has just been hacked! May nag order ng P1M worth of food sa Food Panda in less than an hour," pahayag ng senador.
Senator Gatchalian's tweet | Credit to his Twitter account |
Pabiro din niyang sinabi at tinanong kung buong barangay ba ang papakainin ng hacker.
"Ano yan lauriat para sa buong barangay???" biro ni Sen. Gatchalian.
Makikita sa screenshot na ibinahagi ng senador ang apat na magkakahiwalay na order ng pagkain ng hacker, na nagkakahalaga ng P300,851, P356,517, P323,247 at P92,265. Tinatayang nasa total na Php1.02 milyong halaga ng pagkain ang iniwang financial damage ng hacker sa kanya.
Dagdag pa ni Sen. Gatchalian, nagawa din ng hacker na mapalitan ang registered phone number sa kanyang credit card information kaya naman natanggap mismo nito ang OTP upang mapagpatuloy ang mga transaksyon.
Laking pagtataka din niya kung paano uubusin ng salarin ang napakaraming pagkain na inorder nito.
"The hacker managed to change my registered phone number so he got the OTPs. He knew what he was doing. I just don't know how he will eat a million worth of food,", aniya.
Ibat-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol sa kaganapang ito kay Sen. Gatchalian. Ang iba ay bumilib sa napakalaking credit limit ng senador, at ang iba naman ay nakisimpatya sa kanya.
"Ano yan lauriat para sa buong barangay???" biro ni Sen. Gatchalian.
Makikita sa screenshot na ibinahagi ng senador ang apat na magkakahiwalay na order ng pagkain ng hacker, na nagkakahalaga ng P300,851, P356,517, P323,247 at P92,265. Tinatayang nasa total na Php1.02 milyong halaga ng pagkain ang iniwang financial damage ng hacker sa kanya.
Dagdag pa ni Sen. Gatchalian, nagawa din ng hacker na mapalitan ang registered phone number sa kanyang credit card information kaya naman natanggap mismo nito ang OTP upang mapagpatuloy ang mga transaksyon.
Laking pagtataka din niya kung paano uubusin ng salarin ang napakaraming pagkain na inorder nito.
"The hacker managed to change my registered phone number so he got the OTPs. He knew what he was doing. I just don't know how he will eat a million worth of food,", aniya.
Senator Gatchalian's tweet | Credit to his Twitter account |
Comments from netizens | Credit to Sen. Gatchalian's twitter account |

Sa ilalim ng Republic Act 11449, sinasabing papatawan ng mabigat na parusa ang lalabag sa Access Devices Regulation Act of 1998 na naamyendahan noong taong 2019.
Dito pinarurusahan ang mga gawi na sakop ng "access device fraud," gaya na lang ng skimming o counterfeiting ng credit cards, payment cards at debit cards, paggawa o pagproseso ng software o hardware para sa iligal na access ng impormasyon, iligal na online access sa online at ATM banking cards at hacking.
Diumano, aabot sa hanggang P5 milyong multa at habambuhay na pagkakakulong ang pinakamatinding parusa para sa lalabag sa batas na ito.