Bride na maraming "flaws" nagdemand ng sobrang makinis pero "natural finish" lang na make-up: "Hindi kami plastic surgeon" - The Daily Sentry


Bride na maraming "flaws" nagdemand ng sobrang makinis pero "natural finish" lang na make-up: "Hindi kami plastic surgeon"



Photo for illustration purposes only


Pangarap ng karamihan sa mga bride na ikakasal ang magiging maganda sila sa araw ng kanilang pinakahihintay. 


Kaya naman lahat ay kanilang sinisigurong pinaghandaan mula sa wedding gown na susuutin, at ang higit sa lahat ang kanilang pangarap na magandang mukha at make-up sa mismomg araw ng kanilang kasal. 


Trending ngayon sa social media ang kwentong karanasan ng isang professional make-up artist na si Ma Janine Manalo Magahis, sa isang bride na ang gusto at demand ay maitago lahat ng "Flaws" ng kanyang skin sa araw ng kanyang kasal gamit lang ang make-up.


"Kung airbrush bakit kita padin yan? Hindi ba kayang icover ng makeup lahat ng flaws sa skin? Kung Hd ang gamit hindi kayang itago ang malalim na pores?," tanong ng kanyang kliyente.


Ayon pa sa post ni Janine, kahit pa sa aminadon ang bride sa daming kailangang takpan sa mukha niya, ang gusto pa nito  ay magmukhang "natural finish" lang at hindi maging makapal ang make-up.


"Madami akong pores at pimples kaya naghahanap ako ng the best na artist for my wedding. Kung di mo kaya hanap ako iba." dagdag ng bride.


Paliwanag naman ni Janine na magdedepende parin ang kalalabasan sa skin condition ng kliyente kaya kailangan padin i-check upang mai-work out niya ang gusto ng kanyang kliyente. 


"Ayoko po sabihin na yes macocover ko po lahat. Lalo na po dun sa picture niyo na nasend super lalim po ng ukab sa skin kaya honest po ako when I said na I dont think macocover po siya ng concealer kasi ang lalim ng scars."


Nang nakapagdesisyon na ang bride para kuhanin ang kanyang serbisyo, demand nito na siguraduhin lamang ni Janine na flawless siya sa araw ng kanyang kasal.


"Siguraduhin mong makinis na makinis ako sa wedding," hirit ng bride.


Sa tila ibang tono ng mensahe ng bride, mas minabuti nalang ni Janine na i-refer siya sa ibang make-up artist dahil hindi rin umano siya tumatanggap ng mga kliyenteng walang tiwala sa kanyang kakayahan.


"Limited lng ang kaya ng makeup mga sis. With the  skills and right techniques and specially products yes namiminimize ang appearance ng flaws but lets accept na hndi natin ito mabubura or mapapalitan lalo pat Makeup Artist tayo at hndi plastic surgeon." saad ni Janine sa kanyang post. 


Narito ang kanyang buong post: 



Makeup 101❤️


Wag niopo ipm ung picture na nsa convo hndi po sya ang nagrereklamo siya po ay bride ko last day na gnawang example ni Miss Minchin😅 


Si client naburn ang face dahil daw sa outing 3 yrs ago and super laki nia almost cover ung half ng face and super keloids sya with acne and huge pores.(so hndi kona ipost for her privacy) then sinend nia sakin ung picture ng bride ko kahapon sa convo. 


Hndi po ung kachat ko ung picture na nsa convo a mgkaiba po) I get a lot of questions if nahahide ng makeup ang acne or pimples ang super large pores.


My answer is. Yes nacocover po ng makeup ang discoloration like redness ng pimples, dark spots sa balat to even out the color pero ung bumps visible pa rin sya lalo nat acne na may laman sa loob . And pores na sobrang lalim. 





Ang malupit pa gusto ng natural finish at hndi makapal pero sobrang dami naman need icover. pano un magging natural finish e need tlga un icover kya magfufull coverage talaga sya. 😞 


I use makeup to cover and enhance the feature.  Regardless kung airbrush or traditional pa yan. Parehas yang maganda nsa preference lang po ni client anong method ang gusto nia. (both my pros & cons) Pag may mga acne ang skin kita padin yan sa makeup kase yan na ung base natin. Pero mas maganda na sya and naenhance napo .But with the help of makeup naaddress natin ung problem areas to enhance it.


Limited lng ang kaya ng makeup mga sis. With the  skills and right techniques and specially products yes namiminimize ang appearance ng flaws but lets accept na hndi natin ito mabubura or mapapalitan lalo pat Makeup Artist tayo at hndi plastic surgeon.




My point is take care of your skin mga sis. Skincare first before anything else. Nakasalalay sa balat nadin ng client kung gano ka long lasting at kaganda ang makeup. I wont stop looking for the best products in the market na mkakatulong shmpre ❤️ 


We are here to provide the best of our capabilities. But we also have limitations. kung bride kita nsa contract po ung mga reminders ko about skin and hair prep before the wedding ☺️s


Pag ganito ang client pass muna hindi to nakakaganda 😅 Magnenetflix nalang ako sa bahay. Lahat ng bride ko mababait pero Pag Ate Chona Wit!!NEXT PLS😂


Ps. i ddnt post the entire convo nkakanega ishare mga ses. masama ata gising ni mam😂 Kindly like my page mga sis baka meron po magiinquire ❤️ 


Janine Magahis Hair & Makeup Artist Tagaytay


***

Source: Ma Janine Manalo Magahis

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!