Labis na natuwa ang mga netizen sa nangyari sa isang lolo matapos itong maregaluhan ng bike ng mismong nagbebenta nito.
Ayon sa isang ulat, araw-araw umano itong pinupuntahan ng matanda sa tindahan at tinatawaran ang presyo.
Kwento ng may-ari ng Carandang bike shop na si Fe Carandang, isang linggo na raw pabalik-balik si Lolo Carlos para sa mini MTB bike dahil gustong-gusto niya itong bilhin.
Sa kasamaang palad, P2,000 lang ang kaya nyang ibigay at ang naturang bike ay nagkakahalaga ng P4,500.
Pero nitong Miyerkules, June 3, maswerteng napasakamay ni lolo ang gusto nitong bike matapos magdesisyon ang mabait na may-ari ng shop na ibigay na lamang ito kay Lolo Carlos bilang isang regalo.
Sa isang video, mapapanuod ang business owner na kinakausap ang matanda tungkol sa bike. Nang akmang iaabot na ni lolo ang kanyang pambayad, tinanggap ito ng nagbebenta kahit kulang. Subalit maya-maya lamang ay ibinalik na din ito sa kanya.
Sambit ni Aling Fe kay Lolo Carlos, “kunin mo na yan, regalo namin sa iyo”.
Bukod pa rito, para hindi manakaw ang bisikleta ay nagpahabol pa ng lock ang good samaritan.
Pagbabahagi ng nagkaloob ng bike, bumalik sa kanilang shop ang anak ni lolo para magpasalamat.
Gagamitin umano ni lolo sa paglalako ng kendi kung saan-saan ang nasabing sasakyan.
Panuorin: