Dahil ayaw pumayag ni GF na ipalaglag ang ipinagbubuntis, BF nito nakipaghiwalay - The Daily Sentry


Dahil ayaw pumayag ni GF na ipalaglag ang ipinagbubuntis, BF nito nakipaghiwalay



Larawan mula kay Kimberly Ong

Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Kimerly Ong, matapos nitong ibahagi sa kanyang Facebook account ang hindi katanggap-tanggap na ginawa ng kanyang apat na taon nang kasintahan na si Andrew Buenviaje.


Ayon sa pagbabahagi ni Kim, sinabi nito na ilang beses na siyang niloko ni Andrew at paulit-ulit nalang din niya itong pinatawad.


Ngunit noong araw na nabuntis si Kim ay nakipaghiway at nagalit sa sakanya si Andrew dahil ayaw umano pumayag ni Kim na ipalaglag ang kanyang ipinagbubuntis.


Noong unang nalaman ni Andrew na buntis ang kanyang kasintahan na si Kim ay nkipagtalo ito na gusto niyang ipalaglag dahil wala pa naman daw umano itong heartbeat dahil tatlong buwan palang naman daw ang kanyang tiyan.

Larawan mula kay Kimberly Ong

Basahin ang buong post ni Kim sa ibaba:


"Inisip ko ng matagal bago ko to pinost. 

Larawan mula kay Kimberly Ong

"Alam kong pati ako mapapahiya din dito sa gagawin ko pero sobra na talaga pag titimpi ko sayo. Hindi ko nga inakala na isa rin ako sa mga magpopost ng ganito. Ngayon bahala na. 


"Wala akong pake kung iisipin mong attention seeker ako basta ang gusto ko lang isang bagsakang pahiya sayo sa lahat ng ginawa mo sakin. 


"Masaya tayo dati eh. Against all odds pa nga peg natin kasi kahit ang daming humahadlang. Tayo padin. Gagawa at gagawa tayo ng paraan makapagsama lang. Naalala ko pa dati na sobra akong murahn ng nanay mo, pinahiya ako sa school, sa mall. Kamo kaladkarin akong babae, nagpapalahi lang kamo ako sayo, malndi ako pta ako etc. Kung ano anong sinasabe ng nanay mo saken na di ko alam san nanggaling eh ni hindi naman niya ako kilala talaga. Siguro kasi pangit ako tapos mababa grades ko nun so yun na naging tingin niya sakin pero grabe naman yun pero hinayaan ko. Sabi mo wag tayo sumuko kasi mahal na mahal mo ko. Di mo ako kayang mawala. Ako oo sige binaliwala ko lahaaaaat ng masasakit na yun. Tago tayo sa kanila. Di nila alam na tayo padin. Minsan nahuhuli ka kasi tumatakas ka, sabi mo nabubugbog ka. Sinasabe ko wag kana tumakas. Lagi kita pinagsasabihan. Pero ikaw gumagawa ka talaga paraan hanggang sa ako nanaman minumra ng nanay mo kasi nga nahuli ka.

 

"Pero nilagpasan natin lahat ng yun. Madami pang pagsubok at masasayang moments at di ko pinagsisihan yun kasi nakikita ko din naman sayo na mahal mo talaga ako. 


"Umabot ng tatlong taon.. Doon kana nagloko. Don nagsimula kana magsinungaling sakin ng paulit ulit. Tuwing mag aaway tayo ang sasakit na ng binabato mo sakin. Hanggang sa nagkakaron kana ng babae. Lagi ako kinukutuban pero deny ka ng deny. Actually nagkakaron ka ng babae pag di tayo magkaayos eh. Yung naghahanap ka ng pampalipas oras mo tapos papahulugin mo ng sobra yung babae sayo. Tapos ako halos mabliw na sa sakt kung bat mo ginagawa. Umaabot pa nga sa point na inaaway ako ng mga naging babae mo eh. Yung isa, pinagtulungan ako ng magpipinsan. Ako hinayaan mo ako nun, kinampihan mo yung babae mo. Tapos ayun, sumuko ako. Ayoko na. Nagpakalayo ako nun sa manila. Di ko kinaya ang sakt eh. Pero after 3 days na di tayo nag usap. Bumalik ka kagad sakin nagmakaawa ka. Umiyak iyak ka sakin na di mo ko kaya mawala. Na babawi ka sakin. Umaga hanggang madaling araw nagmamakaawa ka saken na kausapin kita at mapatawad ka. Naging matigas ako sayo ng lagpas isang linggo din yun. But i gave in and pinatawad kita. Bumawi ka nun ng sobra saken. Parang naramdaman ko ulit na nililigawan mo ko ulit.


"Sobrang saya natin nun. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan. Nagsimula nanaman mga away natin at again... Nagkaron ka na naman ng babae. Taga school mo. Kasama mo siya sa school habang ako sa gabi pag uwi mo.


"Kinutuban ako pero deny ka din ng deny hanggang sa nagkalabuan na talaga tayo at ulit nag decide tayo na wag na muna mag usap at mag hiwalay na. After 1 day or 2 days? Bumalik ka kagad sakin na parang walang nangyari. Nilalambing mo na naman ako. Sabi mo di mo talaga ako kaya mawala. Iba talaga pag mahal mo. Naging okay tayo hanggang sa hinulaan ko password mo sa account at doon ko nalaman na may babae ka pala talaga pero iniiwasan mo na that time. Diniditch mo na siya. Okay na kasi tayo that time tapos ayan pinatawad nanaman kita ulit. Nag away tayo nun pero sabi mo di na mauulit. Okay sige. Patawad ulit. Hanggang sa lumipas nanaman ang buwan. Ngayong taon na yun, madalas na naman tayo mag away. Nagkaron ka nanaman ng babae. Recently lang. Kinausap pa ako at pinangsesend mga convos niyong dalawa sa akin. Nagsasama kayo.


"Pinupuntahan mo ng ke layo layo. Sabi mo sakin dati kaibigan lang tas nakilala lang sa church. So ayun pala yun. Iniwan mo nanaman yung babae at bumalik din ulit sakin kasi sabi mo past time lang talaga. Wala ka talaga feelings. So okay... Pinatawad na naman kita. Alam ko tanga talaga ako. Before pa pala niyan nagmakaawa ka saken ulit umiyak ka lumuhod ka na ayaw mo ko mawala lahat niyakap mo ko kahit ayaw ko nag antay ka sa bahay magdamag pero nireject kita nun kaya tinuloy tuloy mo yung babaeng yun. Tanga ko kasi di ko kayang magalit ng tuluyan sayo. 


Ngayon, recently nga nagkabalikan tayo. Masaya ulit. Sinusupportahan na kita sa lahat. Nilalambing kita lagi kahit nagtatampo ako. Basta naging sobrang lambing ako. Mapagbigay. Naging triple triple effort ko sayo kasi baka sakaling ginawa ko yun. Di ka na maghanap ng atensyon sa iba. Yun kasi issue mo din sakin eh. Sinasabe mo di ako ma effort. Kulang sa pag aalaga sayo. Pero hello alam ko naman na sobra sobra na effort ko sadyang di ka lang makontento. So ayun triple triple best best na binigay ko sayo. Di kita inaaway kahit may mali ka. Natuwa ka naman nun. Pero dumating yung pinakamalaking responsibilidad satin...

 

"Buntis ako... Nabuntis ako. Nakita naman na natin symptoms eh nung nakaraang buwan palang pero sinasabe natin ulcer lang.. Eh may time na naisipan kong mag pregnancy test. At ayun na nga positive. Naiyak ako sa takot at di kita chinat agad kasi natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Nung sinabe ko na, una mong bungad agad sakin is ipalaglag natin. Di mo kaya. Di pa natin kaya. Madami kang masasakit na salita. Halos di mo din ako kinakausap nung nalaman mo na buntis ako kamo sabi mo para marealize ko ano ang tama. Tama ba sayo na pumatay? Sabi mo wala tayo papatayin kasi wala pang soul at heartbeat. Sakim mo. Tatlong buwan walang heartbeat? Ikaw ang magbasa ng science. Masyado kang MR. KNOW IT ALL eh at etong convo natin sa baba eto yung last convo natin na sobrang nagpalugmok sakin. Nakipaghiwalay ako sayo at bnlock ng biglaan at di na kinausap kasi gusto ko magpalamig ng ulo at ayaw ko mastress para sa magiging anak ko. Kinausap ko mga kaibigan ko about sa sitwasyon naten at nagalit sila sayo. Di kita siniraan sa mga kaibigan ko. Sinend ko lang mga screenshots na pinag usapan natin. So nagalit sila galing lang din sa mga salita mo. Never kita siniraan. Di kita binigyan ng time eh weeks na yun nakalipas pero pinupush mo padin na ipalaglag ko. Tapos ako pa naging masama? Pinasa mo pa sakin kasamaan mo. Takte naalala ko pa presensya nalang hiningi ko sayo, alaga kahit ako na bahala sa financial. Pero ayaw mo padin. Sobra ka pa sa sobra.


"Oo alam ko di ko pa talaga kaya. Di pa ako parent material type. Pero hindi ibig sabihin na papatayin ko anak ko. Kakayanin ko lahat. Kaya ikaw... Bahala kana magalit sa nagawa ko ngayon. Sobra sobra na din kasamaan mo sakin. Ngayon isang bagsakang pahiya ko to sayo. Mahal kita pero mas mahal ko anak ko. Ngayon mag isa kong hinaharap tong paghihirap ko. Alam mo na di okay pamilya ko. Sumasama pakiramdam ko lagi pero kelangan ko padin pumasok ng work. Walang umaalalay sakin.


"May mga friends ako nagpapasalamat ako sakanila na andyan sila para iremind ako na wag mastress, may pakialam sila sakin. kinakamusta nila kalagayan ko lagi. Ikaw? Asan ka? Napakaselfish mong tao kahit kelan.


"Tama na din to na hanggang dito nalang talaga tayo. Tama na.

 

"Nalulungkot lang ako para sa anak ko kasi lalaki siyang walang tatay.


"History repeats e noh? Ayaw ko maranasan ng anak ko to kasi alam ko pakiramdam ng magkaron ng wasak na pamilya eh. Pero wala eh.. 


"Irresponsable ka. Iba galaw ng utak mo. Matalino ka pero hanggang talino lang. Wala kang puso at paninindigan. Yumaman ka sana sa kasakiman at sa pagka selfish mong tao ka. 


"Btw, inunblock lang naman kasi kita kasi need ko yung money na inutang mo. Kahit iwan nalang sa guard e ayaw pa. Nangsisi pa na akala mo siya yung inapi. "You regret giving half of your life"? Oh ano ginawa ko sayo? E nabuntis lang naman ako. At never kita siniraan. Tandaan mo yan. Di ako gawa gawa ng kwento. Masyado akong tamad gumawa ng kwento. Bat pa ako gagawa? Mapapala ko? Bahala kana sa buhay mo. Wala kang kwenta. Di ka karapat dapat tawaging tatay. Payaman ka ha. Payaman ka sa karma. Paalam sa apat na taong binasura mo.


"Ps. Wag mo ko ginagamitan ng God God ha. Ako pa sinasabihan mo dati na lost soul ako, banal banalan ka pero di mo inaaply sa sarili mo. Di man ako every sunday nagsisimba, wala man akong youth group sa church or kung ano man pero malinis budhi ko di katulad mo.


"Carl Andrew Buenviaje, Salamat nalang sa memories. Akala ko ikaw na ang taong makakasama ko, hindi pala. Ikaw pala ang kakamuhian kong tao sa buong buhay ko. Hindi ka kamahal mahal. Minahal kita ng sobra pero malala ka. Sobrang lala mong tao. Sa sobrang pagmamahal ko sayo nakalimutan ko ng mahalin sarili ko.


Basahin sa ibaba ang screenshot ng kanilang paguusap:























****


Source: Kimberly Ong