Photo credit to Jarlo Manalad's Facebook account |
Viral at kinatutuwaan ngayon sa social media ang post ng isang ama tungkol sa naipon nilang pera para sa anak nilang mag tatatlong taong gulang pa lamang.
Proud na ibinahagi ni Jarlo Manalad, ama ng bata, ang isang larawan na nagpapakita ng kanyang anak at salaping naipon na ngayon ay umabot na diumano sa P77 thousand.
Photo credit to Jarlo Manalad's Facebook account |
Ani Manalad, ang ipong salapi ay mula pa noong binyag ng bata hanggang sa mga pinamaskuhan nito sa kanyang mga ninong at ninang, kamag-anak at family friends.
Labis naman siyang nagpapasalamat sa lahat ng naka-ambag sa ipon na iyon na ayon sa kanya ay hindi nila gagalawin upang maipamana na lamang sa bata.
Dagdag pa niya na ngayon ay nasa bangko na ang pera, na kanila ding dinaragdagan tuwing sahod.
Labis naman siyang nagpapasalamat sa lahat ng naka-ambag sa ipon na iyon na ayon sa kanya ay hindi nila gagalawin upang maipamana na lamang sa bata.
Dagdag pa niya na ngayon ay nasa bangko na ang pera, na kanila ding dinaragdagan tuwing sahod.
Photo credit to Jarlo Manalad's Facebook account |
Narito ang nakakatuwa at nakakainspire na post ni Manalad:
"Mag 3 yrs old pa lang ung bata....
May ipon na siyang 77k.
Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family friends na nagmamahal sa bata.
Lahat po ng binigay niyo sa bata mula ng bininyagan siya ay para po sa kanya. Wala kaming binulsang mag-asawa. Wala kaming pinantapal sa expenses niya Gaya ng ginastos sa binyag at 1st birthday niya.
Hanggang sa huling sentimo sa bata po iyan. At lahat pa ng ibibigay niyo ay idadagdag po dyan.
Sana ay mairaos namin ang edukasyon ng bata ng Hindi Yan ginagalaw. para pamana na namin sa kanya yan....
Sana gawin dn ito ng mga magiging magulang. Lahat Ng expenses Niya ay dapat nating itaguyod at lahat Ng bigay sa bata ay para sa bata.
Salamat po sa inyo. Nasa bangko na po Ang pera niya.
PS: may small amount din kaming nilalagay mag-asawa dyan kada sahod. Pero promise maliit lang. Mas malaki p dn ung mga bigay. (200 per sahod)"