Nag-viral ngayon sa social media ang kakaibang pangyayari kung saan binitbit nila ang isang bangkay ng matandang lalaking magsasaka papuntang bangko upang makuha ang laman ng bank account nito para magamit sa gastusin sa burol nito.
Siya si Mahesh Yadav, 55-taong gulang, isang magsasaka mula sa isang barangay sa silangang state ng Bihar, India.
Ang sanhi umano ng kanyang pagkawala ay dahil sa mahabang panahong na rin itong may dinadamdam na sakit, ito’y ayon sa isang pulisya.
Dahil sa wala ng kasamang pamilya ang matanda, at walang mapagkuhanan ng tulong pinansyal para sa kanyang cr*mation, minabuti ng kanyang mga kapitbahay na mag halungkat sa bawat sulok ng kanyang bahay, sa pagbabasakaling may makita silang pera panggastos sa kanyang libing.
Bigo man daw silang makahanap ng pera, natagpuan naman nila ang isang Passbook ng banko na may lamang $1,600 o halos mga 76,000.
Ayon pa sa Pulis na si Amrendar Kumar, minabuti ng kanyang mga kabarangay na dalhin nalang ang nakita nilang passbook at ang bangkay ni Yadav sa Canara Bank at nagmatigasan sila hangga’t hindi ibinibigay ng bank branch manager ang parte ng naturang laman ng kanyang bank account.
“Nag-demand ang mga taga-barangay sa bangko na ibigay sa kanila ang pera mula sa account ni Yadav para sa cremation at kung hindi ay hindi nila ito iki-cremate,” saad ni Kumar.
Kalaunan ng kanilang usapan, ay napilitan din ang bangko na ibigay ang hinihingi nilang pera sa tulong narin ng mga lokal na pulisya.
Lumikha ng takot at gulo ang kakaibang eksena na natunghayan ng ibang kliyente sa loob bangko at aminado ang branch manager na si Sanjeev Kumar na ngayon lamang siya nakasakhi ng ganitong pangyayari sa buong buhay niya.
“Walang nag-aalaga sa kanya bagama’t ilang buwan na siyang maysakit. Dinadalhan lang namin siya ng lutong pagkain at iba pang bagay,” kwento ni Shakuntala Devil
Pinatunayan lamang sa kuwentong ito, kung gaano kahalaga para sa lahat na kahit kapos man sa pang araw-araw na pamumuhay, importante may naitatabing ipon kahit sa maliit na halaga upang may magagamit sa panahon ng sobrang pangangailangan.
***
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!