“Bakit mas maganda na nakabukod kapag may asawa o pamliya na?” Mga makabuluhang paalala ng Netizen - The Daily Sentry


“Bakit mas maganda na nakabukod kapag may asawa o pamliya na?” Mga makabuluhang paalala ng Netizen



Larawan kuha mula kay Mike Cocha


Bagong yugto ng buhay kung maituturing ang pag-aasawa at ang pagbuo ng sariling pamilya. Ito ang panahon kung saan sabay niyong itataguyod ang inyong pamumuhay, mga plano at mga desisyon bilang mag-asawa. 


Nakagawian na ng maraming mag-asawa ang pagbukod ng sariling tahanan at ang pagdedesisyong humiwalay mula sa puder ng mga magulang. 


Tunay na Realtalk ang ibinahagi ng isang bagong haligi ng tahanan tungkol sa mga dahilan kung bakit importante at mas maganda ang pagbukod kapag may asawa at sariling pamilya ka na. 



Ibinahagi ni Mike Cocha ang kaibahan ng pamumuhay kapag nakatira ang isang mag-asawa sa sariling bubong. Aniya, sa pagbukod ay maraming pwedeng magagandang maidudulot at maituturo sa inyo bilang mag-asawa o bilang mga bagong magulang ng inyong mga anak. 


Larawan kuha mula kay Mike Cocha


“Matututo kayo maging independent in everything.” saad niya sa kanyang post


“You’ll grow as husband and wife. Mas makikilala niyo ang isa’t isa.” dagdag niya.


Punto niya na nababawasan din sa mga iniisip at gastos ng inyong mga magulang ang pagbukod mula sa kanila. 


“Leaving your parents doesn’t mean na hindi mo sila mahal. Actually mas makakahinga din sila kasi need din naman nila ng quite space. Mababawasan din ang iisipin nila lalo na sa financial.” 


Marami sa mga netizens ang nakakarelate at nasapul sa ibinahaging post ni Mike. Hiling ng iba na sana darating na ang panahon na makapagbukod na rin sila katulad nila Mike at ng kanyang mag-ina:



Very well said, maging matatag ka sa buhay at mamuhay ka ng sarili mung paa,and put God as a center of ur life, do ur best and God will do the rest - Mercie Gloriani


Tama Yan,lahat kayang pag tiisan bastat may pagkakasundo SA bawat layunin SA buhay at pagmamahalan at higit SA lahat at ang sentro Ng ating buhay ay Kay Lord,God bless us - William J. Chua


Yap eto ang pangarap ko sana ng matupad na dahil nakakapagod na rin makisama! - Aziketchie HarRah


Narito ang kanyang buong post: 


Bakit mas maganda na nakabukod kapag may asawa na.


1. Una, dapat iisang reyna at hari lang ang meron sa isang palasyo tama? Kapag nakabukod kayo either rent or sarili niyo ang bahay magkakaroon kayo ng tinatawag nating “privacy” which is very important sa mag-asawa. Like me, I’m an introvert so prefer ko talaga ang may sariling space. Hindi ako makakilos kapag may ibang tao kahit parents o kapatid ko pa. Even my wife introvert din kaya naiintindihan niya ang gusto ko.


2. Magagawa niyo lahat ng gusto niyo. Di bale na maghapon kayong nakahilata , hindi kayo maglinis o tanghali na kayo magising wala kang maririnig dahil your house your rules. 


3. Matututo kayo maging independent in everything. Kung ano ang ihahain mo, ano iluluto mo, paano magbudget, paano mo ayusan ang bahay, anong gamit ang bibilhin, kulay ng pintura, etc., etc. 


4. You have control over your child. Paano mo palakihin at disiplinahin, ano ipapakain o kung ano yung mga bagay na gusto mo i instill sa anak mo na walang kumukontra.


5. Walang mangingialam kapag may mga problema kayo mag-asawa/partner. Walang kampihan kasi dalawa lang kayo ang adult sa bahay, no one will interfere. Kasi sa buhay mag-asawa it’s not advisable na may nangingialam, minsan maliit na problema lumalaki dahil sa sulsol ng mga tao na kasama niyo sa bahay. (This will apply only kapag mga personal problem niyong dalawa not unless na life and death na ano?, you should seek help)



6. Financially responsible . Lahat ng finances niyo kayong dalawa lang ang may say kung paano niyo gagastusin. You’ll learn how to save. Matututo din kayo kumayod dahil wala kayong aasahan na magbabayad ng bills at expenses niyo sa bahay.


7. You’ll grow as husband and wife. Mas makikilala niyo ang isa’t isa.


8. You will have your own identity as a family. Pwede mo tanggalin ang ayaw mo sa nakalakihan mo, you can make your own family traditions. 


9. Less stress. Hindi ka naka- tip toe, free ka kumilos na walang mga mata na nakatingin sayo. 


10. Peace of mind. That is priceless. Di bale na mag-ulam kayo ng toyo basta walang nangingialam sa inyo.


Leaving your parents doesn’t mean na hindi mo sila mahal. Actually mas makakahinga din sila kasi need din naman nila ng quite space. Mababawasan din ang iisipin nila lalo na sa financial. 


Photos: My Family ❤


(Cocharo) 


***

Source:  Mike Cocha

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!