Photos courtesy of Facebook @Lea Ramos Villanueva |
Hindi inakala ng isang ginang na magvi viral ang ibinahagi nyang
larawan ng kanyang 18 years na anak na dalaga habang ginagawa nito ang kanyang modules.
Kasalukuyang nasa first year college ang dalaga na si Kyla
Mhikaela R. Villanueva, na kumukuha ng kursong BS Accountancy sa City College
of Calamba, Laguna. *
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng isang may bahay na
kinilalang si ginang Lea Ramos Villanueva ang larawan ng kanyang dalagang anak
kung saan ito ay abala sa kanyang mga modules.
Habang subsob sa kanyang mga aralin, nagpaskil ang dalaga sa ng
isang mensahe na nakasulat sa isang bond paper at tila ayaw nito magpa istorbo
sa kanyang mga kasama sa bahay.
Ayon sa panayam sa dalaga, sinabi ni Kyla na marami siyang
mga problemang pinagdadaanan noong mga nakaraang buwan, sa katunayan pa nga ay
nagkasakit ang dalaga kung kaya naman sa pagbabalik ng kanilang klase ay nais nyang
makabawi sa kanyang pag-aaral.
“Pagbalik ko po nung January, nahilo po ako sa dami ng
gagawin ko. [Kaya] para makaiwas sa utos (haha) at makapagfocus, naglagay po
ako ng ganyan,” paliwanag ng dalaga. *
Photos courtesy of Facebook @Lea Ramos Villanueva |
Kaya naman naisip ng dalaga na maglagay ng karatula sa kanyang
likuran at ayaw magpa istorbo sa kanyang mga kasama sa bahay.
Napagkatuwaan ng kanyang ina na kuhaan ito ng larawan at iibnahagi
sa social media sa nasabing larawan ng anak na may caption na…
"Yung anak mong nagmamaldita...matapos lang ang module
niya…” pabirong sambit ni ginang Lea sa kanyang Facebook account kasabay ang
mga larawan ng anak.
"WALANG KAKAUSAP SA 'KIN. SOBRANG DAMI KONG GAGAWIN.
SALAMAT." ayon sa pinaskil ng dalaga.
Kinagiliwan naman ng mga netizen ang nasabing larawan ni Kyla
at nagbigay ito ng kani kaniyang mga komento, narito ang ilan:
“Hehe...ginawa ko din yan... Nagpaskil ako ng "tapos ka
na ba?" Sa mga dingding namin...para pag napahinto ako mababasa ko”
“May kakainin
kaming masarap- nahindi ka namin tatawagin.- Joke lang.”
“Kakausapin
sana kita kung gusto mong jollibee o mcdo ililibre sana kta kaso bawal kang
kausapin.”
Sa kabila nito, nakakatuwa naman talaga sa pakiramdam ng
isang magulang na nakikita mong masipag sa pag-aaral ang anak mo at talagang
pursigido itong mag-aral at matuto. Alam mo na may magandang kinabukasang
naghihintay para sa pinakamamahal mong anak.
Photos courtesy of Facebook @Lea Ramos Villanueva |