"Mas mahirap pa sa daga", ito ang katagang madalas na naririnig natin na sinasabi ng ilan sa tuwing ilalarawan nila ang kanilang kasalukuyang kalagayan o ng ibang tao na hindi maipagkakailang salat sa buhay.
Ganito ang kinalakihang sitwasyon ng isang netizen na nagbahagi ng kanyang kwento sa social media. Gayunpaman, sa kabila ng kahirapan ay nagawa nya pa ring magtagumpay at umasenso sa buhay bunga ng kanyang sariling diskarte.
Upang magsilbing inspirasyon sa marami at makahikayat ng mga taong may pangarap sa buhay para patuloy na magsumikap, inilahad nya ang kanyang mga pinagdaanan para makaahon sa kahirapan.
Kilalanin si Akio Kashiwagi, ang proud na anak ng kanyang ama na isang jeepney driver at ng kanyang ina na isa namang tindera ng siopao, avon, at iba pa, gamit ang bike.
Basahin ang kanyang Facebook post:
No Rich parents. No Powerful Connections. No special talent.
I had my first Million when i was 24.
Kung may pangarap sa buhay na gusto mong marating, Para sa'yo ito.
12 years ago, nagopen ang Nanay ko ng bank account sa BPI, Savings ito para sa edukasyon ko. At bilang isang typical na Pilipino, pare parehas naman itinuro sa atin na.. "Magaral kang mabuti para makagraduate ka, tapos magtrabaho ka sa abroad." Pero syempre, Millenial ako.. Nauso na yung anime, family computer, gameboy, online game. Hindi naman ako nagka-cutting, pero inaabot ako ng hating gabi kasama ng kuya ko kakalaro ng computer. Madalas ipatawag sa school si Nanay kase nga, imbes na lecture yung nasa notebook ko eh puno yun ng drawing, pati upuan at palad ko may drawing din. Eh ano magagawa ko, imaginative utak ko eh haha!
Hindi naman ako nanggaling sa mayaman na pamilya, naranasan ko kumain ng kanin tapos ulam namin ay mantikang baboy at patis! (ang sarap nun) madalas din yung medyas at brip ko ay bacon, alam nyo yun? yung kulot kulot na yung garter? Masaya yung simpleng buhay lang, Kapag bata ka kasi di mo naman iniisip yung pera. Basta lahat ng usong laruan meron ka, okay ka na dun.
Pero paano nga ba ako nakaipon ng Milyon, samantalang iskul bukol ako at hindi naman din ako nag abroad? Yan din yung tanong ko palagi eh, "Paano ba yumaman?" "Paano ba ang gagawin ko para makapag ipon?" Puro paano, ayun tuloy puro networking yung nag pop up sa mga ads ko. "Open minded ka ba?" 😂
19 years old ako nung nagsimulang magtanong tanong sa buhay. Gusto ko talagang yumaman noon pa man, pero hindi ko alam "Paano" Una kong tinanong sa sarili ko, "Ano bang pinagkaiba namin ni Henry Sy?" Si Henry Sy, yung may ari ng SM? Nanggaling din naman sa wala yun eh, kung nagawa nya yun. May pagasa din akong magawa yun! kaso.. paano?
Nagsimula akong magbasa basa noon sa internet ng mga istorya ng mga Successful na tao. "Ano bang mga ginagawa nila, na dapat ko ding gawin?"
Ito yung mga bagay na nakita ko sa kanila :
1. Nagbabasa sila ng libro (mga libro na makakatulong sa business nila, sa personal development at mga biography ng ibang successful na tao tulad nila.) Sinubukan ko din magbasa ng libro kahit wala akong kahilig hilig don, Una kong binasa yung Rich Dad, Poor Dad. (nakakaadik pala magbasa ng libro, ito yung paraan para maginstall ka sa utak mo ng bagong skill at kaalaman.)
2. Meron silang clear na Goal. Ano ba yung goal? "Gusto kong yumaman?" ganon ba? Hindi. Clear at specific yung goal nila. "I will have 10M in 5 years" Tapos naka breakdown pa yung steps paano maachieve yung Goal na yun. Karamihan sa kanila, hindi pera yung Goal.. ang Goal nila, makagawa ng bagay na makakapagbigay ng value sa ibang tao. Si Jack Ma nakabuo ng malaking e-commerce business kasi goal nya tulungan yung mga small retailers para maabot yung customers. It's not about the Money, It's about the Value.
3. Meron silang Mentor. Ano yung mentor? Ayan yung taong successful na sa field na gusto mong pasukin, Siya yung taong mahihingan mo ng advices. Napakalaking advantage nun dahil mas madami na siyang experience na mai-share sayo. Si Mark Zucks na founder ng FB? Mentor nya si Steve jobs.
4. Risk takers sila. Kadalasan kasi sa ating Pilipino, takot tayong sumugal. Gusto natin yung sureball, kabig lang ng kabig. Ayun puro Tsinoy yung mayaman sa sarili nating bansa, Kase sila yung nag take ng risk na ayaw nating gawin. Kapag gusto mong maging succesful, magtake ka talaga ng risk, hindi naman ibig sabihin nun na matatalo ka palagi. Pero dapat handa kang matalo para matuto and eventually kapag nanalo ka na, mas magaral ka pa lalo.
5. Marunong sila mag ipon, at gamitin yung ipon para bumili ng Asset. Noong bata tayo tinuturuan din tayo mag ipon. "magipon ka para mabili mo yan." Ano yung bibilhin? mga damit, cellphone, laruan. Hindi tayo tinuruan na yung ipon natin, gamitin sa bagay na magpoproduce pa ng Pera. Yung pera ng mayayaman, lalong dumadami kasi alam nila paikot ikutin yun. Hindi sila nagmamadali gumastos sa mga bagay na walang balik sa kanila. Wais diba?
Dami kong sinabi no? Pero madami pa yan. Kapag inaral mo paano ka yayaman, madami ka pang makikita na pagkakapareho ng mga taong Successful sa buhay.
eh, ako? Paano ako nagkaroon ng Pera?
Ako ay 25 years old na po ngayon,
Ako ay nagte-trade ng Stocks sa Philippine Stocks Exchange.
Nakaipon ako ng kaunti sa mga freelance na trabaho ko noon,
nag invest ako sa stock market.
Nagbasa ko ng libro at article sa internet paano matuto mag Trade.
Ayoko kasi ng maginvest lang ng long term daw,
Matagal yun eh, masyado maiksi ang pasensya ko. lol!
Nakahanap din ako ng Mentor na nagturo sakin, si Zeefreaks (ito yung inspirasyon ko dahil bata pa lang din sya napakabait!)
Noong 23 years old ako,
Nagsimula ako magmanage ng 7digit na fund,
Napalaki ko yung fund kaya dun ko nakuha yung First Million ko.
Sabi nila, Tamad daw yung henerasyon ng Millenial.
Wala daw tayong pangarap, puro lang peysbuk ang alam.
Sa totoo lang, Madami satin yung mataas pa din mangarap.
Hindi lang siguro alam kung paano mararating yun.
iba iba tayo ng pinagdadaanan.
Ako, nagkataon na mahal ko yung pagtrade ng stocks, Naeenjoy ko kasi sya kahit magdamag ako sa computer, hindi ako napapagod.
Meron sa inyo kahit sampung oras mag gitara enjoy na enjoy
Meron mahilig magluto, magbake, magdrawing..
Madami tayong kakayahan,
Kung saan ka masaya, Ayun yung gawin mo..
Magbasa ka ng libro tungkol dun para gumaling ka,
Hanapin mo yung taong magaling dun para magpaturo o humingi ka ng advice.
at higit sa lahat..
H'wag na H'wag kang magrereklamo sa buhay.
"eh kasi mahirap ako."
"eh kasi si mama, hindi ako pinagaral sa magandang school."
"eh kasi si duterte presidente."
Ano magagawa ng reklamo mo?
Madalas sa facebook pati problema ng ibang tao problema mo din,
eh ano naman kung naghiwalay sila ng bf/gf nya?
Bibigyan ka ba non ng pera?
Mga kaibigan,
magfocus tayo sa pangarap na gusto natin marating.
Magkakatotoo yun,
Magtiwala ka sa sarili mo.
H'wag ka makinig sa mga tao na magsasabi sayo ng negatibo.
"Kapag may tiyaga, May nilaga."
matatalo mo yung taong matalino, kung magsisikap ka.
Stock Market Guide for Beginners : https://www.youtube.com/watch?v=G_Rj5LU8jyE
Mananaginip ka nalang ba ng gising o gagawin mong totoo mga panaginip mo?
Hawak mo yung buhay at kapalaran mo.
may awa ang Dios na sana ay gumabay sa'yo.
Godbless your Journey!
Nagmamahal,
MoneyGrowersPH
#GlorytoGod
Si Akio ang founder ng Facebook page na Money Growers na layong makatulong sa mga taong nagnanais makaahon sa kahirapan.
I'm Akio the Founder of MoneyGrowersPH. I made my 1st Million at the age of 24 by Trading Stocks, but that feat was way out of my imagination when i was growing up. My father used to drive a Jeepney and my Mom sells anything on a bike (chocolate,siopao,avon,mse,dakki) I never had a dream or a specific goal because i was a good-for-nothing as a kid. but i guess, God has a purpose and wanted me to do something positive in this world. I'm here to help more Filipino's understand how they can Profit from the Stock Market, and to inspire this generation to dream BIGGER, work HARDER and put GOD in the center of their LIFE!