Photos Courtesy of Google and Facebook @Estrang Vench Alvarez |
Trending ngayon sa social media nito mga nakaraang araw ang ipinost na video ng isang netizen hinggil sa kanilang hinaing laban sa kanilang pinagta trabahuhan na isang on line shopping platform.
Ayon sa post ng rider na ito na kinilala na si Estrang Vench Alvarez, kanilang nirereklamo ng mga kasamahan nyang riders ng Shopee dahil hindi binibigay ang kanilang sahod. *
Dagdag pa ng nagrereklamong rider, tanggap na umano nila na wala silang matatanggap na 13th month pay pero huwag naman sanang madelay ng husto ang kanilang sahod.
Ang sahod na kanilang pinaghirapan, na para sana ay mapapakinabangan ng kaniyang mga mahal sa buhay ay nadelay pa.
Maliban pa sa kanilang mga hinaing, ikinakagalit din nila sa Shopee ay ang maling sistema nito sa pagbibigay ng kanilang sweldo.
Paliwanag ni Alvarez, tila pinahihirapan pa sila ng management dahil sa palipat-lipat na lugar at oras ng pagbibigay ng sahod.
Kaya naman nitong December 30 ay sumugod ang mga riders ng Shopee sa agency nito sa Placer 8 sa Taguig, upang hingiin na ang kanilang pasahod na hindi pa naibibigay hanggang sa ngayon.
“Wala kaming tanging hinihiling kung hindi SAHOD namin.” Hinaing ng mga riders sa pamunuan ng Shoppee. *
Photos Courtesy of Facebook @Estrang Vench Alvarez |
“Tanggap na namin na wala kaming 13th month kahit yung sahod na lang namin na December 7 to 13 ang hinihiling namin. Puro delay pasahod na lang lagi pasakit at pahirap ginagawa n’yo sa rider n’yo.” dagdag pa ni Alvarez..
Hindi nila nagustuhan ang pamamaraan ng pagbibigay na pasuweldo ng ahensya ng Shopee kung saan ay palipat lipat ito ng lokasyon at oras.
“Kagabi nagpasahod 10PM to 12AM sa Taguig tapos biglang nagbago lumipat ng Pasay kaya di na kami tumuloy. Isipin mo 12AM papapuntahin ka pa ng Pasay WTF. Hays. Tapos sabi bukas meron daw pero ngayon wala. Mismong sahod na namin pinaghihirapan pa namin makuha.”
Mapapanood sa nasabing video kung saan ay pinapahayag ng mga riders na ito ang kanilang mga sama ng loob sa sikat ng online platform sa bansa. *
Photos Courtesy of Facebook @Estrang Vench Alvarez |
“Nakakasama ng loob sir kasi kami talaga ang bread and butter dito. Alam n’yo rin naman ‘yan dahil rider din kayo. Saan sila kumukuha ng na ano nila. Kumuha sila ng kontrata kay Shopee pero sino naging ano nila. Saan sila nagkakaroon ng kaperahan dito? Walang-wala kaming hinihiling sir kundi sahod lang namin.”
Samantala ang pangalawang video naman ay kuha kung saan ay nagbigay na ng pasahod ang ahensya ng Shopee sa Taguig ngunit hindi naman nasunod ang social distancing dahil sa kagustuhang makuha ng mga riders ang delayed na pasahod sa kanila.
Pahayag pa ni Alvarez, “Si SHOPEE GALANTE SA IBA PERO SA MISMONG EMPLEYADO IPIT NA IPIT ANG PONDO.”
Samantala, noong December 12, kung saan ay naka-abang ang marami para sa nakatakda nilang sale na "12.12", na nakapagtala sila ng record-breaking sales sa buong kasaysayan ng e-commerce sa bansa, dahil nakabenta ang Shopee ng 12 million items sa loob lamang ng 24 minuto. *
Photos Courtesy of Facebook @Estrang Vench Alvarez |