Mayor Isko Moreno | Photo credit to the owner |
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap ng buhay na dinanas noon ng sikat na Mayor ng Maynila na si Francisco Domagoso o mas kilala bilang si Yorme Isko Moreno.
Ang nakakabilib ay kailanman hindi niya ikinahiya ang pinagdaanang hirap, bagkus ay ginawa itong pagganyak o 'motivation' upang umasenso at magsilbing inspirasyon sa iba.
Kwento ni Yorme Isko, bago siya naging artista noon at ngayon nga'y alkalde ng Maynila, ang kanyang hanapbuhay ay pangangalakal ng basura sa Tondo. Ang kanyang ama ay isang kargador sa pier at ang kanyang ina ay tagabalat lamang ng bawang.
Mayor Isko Moreno | Photo credit to the owner |
At ngayong ngang nalalapit na ang kapaskuhan, pagbabalik-tanaw niya, mga nahuhulog na hamon o hotdog sa Divisoria ang kinakain nila para sa Noche Buena.
Kanyang inilahad kung paano tuwing Pasko ay umaasa ang kanyang pamilya noon sa mga nahuhulog na pagkain o paninda sa palengke ng Divisoria.
"Pagka mga Disyembre 22 o 23 na, sasabihin ng nanay ko, 'Scott ha, tingnan mo kung may madale ka mamaya na hotdog saka hamon para sa Pasko", ani Yorme Isko.
Kwento ng alkalde, meron raw isang lugar sa Divisoria market kung saan siya nag-aabang ng mga nahuhulog na hotdog at hamon.
Mayor Isko Moreno | Photo credit to the owner |
"Merong isang lugar doon sa Divisoria market, may portion doon ng meat. Kaya lamang, siguro sa dami ng nagtitinda, minsan may mga dumadausdos, nahuhulog na dalawang pirasong hotdog nasasama sa plastic, o kaya 'yung tinatawag na retaso sa hamon... Natsatsambahan ko 'yun," dagdag ni Mayor Isko.
"Kaya lang minsan maasim na. At least hindi mo na kailangan ng suka," biro niya.
Noon din raw ay kanyang ipinagtataka kung saan kumukuha ang kanyang mga kaibigan ng perang ipinanlalaro ng cara y cruz at iba pang larong kalye. Kaya noong kanyang malaman kung saan galing ang pera ng kanyang mga kalaro ay ginaya niya ito.
"Sila may pera. Sabi ko, 'Saan kumukuha ito ng pera eh magkakasing-edad lang kami?' Sila nakakapaglaro ng ganu'n. Then I realized nagbabasura pala sila," saad ng alkalde.
Nung una ay tutol diumano ang kanyang ina na mangalakal siya ng basura, subalit pumayag din ito sa kondisyon na hindi niya pababayaan ang pag-aaral at hindi siya mag-aabsent sa paaralan.
Mayor Isko Moreno | Photo credit to the owner |
"Ang gusto niya, makatapos ako ng high school. Kalaunan, ako'y lumalaki na, tapos kaya ko nang bumuhat ng sarili kong kariton," dagdag niya.
Kanya rin buong pagmamalaking ibinahagi kung paano nagsimulang magbago ang takbo ng kanyang buhay mula noong madiskubre siya ng isang talent scout na bumisita sa Tondo at nakita siya sa isang lamayan doon.
At mula sa pagkakataong iyon nga ay nagsimula na ang career niya sa showbiz at napabilang sa That's Entertainment", Monday group, ni Kuya German "Germs" Moreno.
Minsan din raw siyang naging matinee idol at nakabilang sa ilang mature roles and films. Dahilan kung bakit minsan din siyang nakaranas ng pang-aalipusta mula sa kapwa.
"Kaya lang hinabol ako ng anino na 'yon [bold actor]. Noong tumatakbo na akong Vice Mayor binaboy nila ako. Ginamit 'yung mga picture ko sa mga pelikula. Hindi ko naman ikinaila, as long as hindi ka nakakapamerhuwisyo ng kapwa, okay lang," paliwanag niya.
"Kaya lang hinabol ako ng anino na 'yon [bold actor]. Noong tumatakbo na akong Vice Mayor binaboy nila ako. Ginamit 'yung mga picture ko sa mga pelikula. Hindi ko naman ikinaila, as long as hindi ka nakakapamerhuwisyo ng kapwa, okay lang," paliwanag niya.
Throwback photo of Mayor Isko as a matinee idol | Photo credit to the owner |
Subalit, saad niya na hindi ito naging hadlang sa kanyang hangarin na maglingkod sa mga kababayan kaya kanyang ipinagpatuloy ang pagpasok sa pulitika at tumakbong konsehal, nanalo, hanggang sa maging bise alkalde, at ngayon ay alkalde na ng Maynila at hindi mapagkakailang pinaka-sikat na Alkalde sa buong bansa.
"At the time, I just felt so blessed, although hindi naman ako talagang sobrang luwag. But compared to what I have before, it's really quite different. So I just felt na sige nga, why not in return, my blessing?," kwento ni Yorme.
Ngayon ay makikita na sa buong Maynila ang mga Christmas decors, lalo na pagsapit ng gabi kung saan bumubungad ang liwanag ng siyudad at mararamdaman ang simbolo ng kapaskuhan.
Sabi nga ni Yorme Isko, tuloy ang selebrasyon ng Pasko para sa mga batang Maynila.
Manila Mayor Isko Moreno at Christmas Tree Lighting | Photo credit to the owner |