Ang kapaskuhan ay araw ng pagbibigayan at pagmamahalan. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ang makatulong sa ating kapwa.
Kaya tuwing pasko ay maraming mabubuting tao ang nagbabahagi ng kanilang mga biyayang natanggap sa buhay.
Samantala, isang tindero ng unan ang nabigyan ng regalo bago pa man sumapit ang araw ng pasko. Kinilala ang tindero na si Oman.
Si Oman ay naglalakad umano mula Taytay, Rizal hanggang Comembo, Makati City upang mabenta ang mga panindang unan.
Ayon kay Denso, talagang naghahanap raw siya ng taong matutulungan sa araw na iyon. Habang siya ay nagmamaneho ay nadaanan niya ang tindero na si Oman.
Nang makita ni Denso si Oman ay agad niya itong kinausap. Mababakas sa mukha ng tindero ang pagod at hirap. Kapansin pansin rin na tila hirap ito sa pananalita.
Kwento ni Oman, sa kanyang buong paglalakad ay isang unan pa lamang ang kanyang naibebenta. Ang napagbentahan niya ay naibili na rin niya ng kanyang pagkain.
Dagdag pa niya, halos sa kalsada na siya natutulog maubos lamang ang kanyang mga paninda. Aniya, tsaka na siya uuwi kapag naibenta na niya ang mga unan.
Dito na bumili si Denso ng isang unan bilang souvenir. At nang akma ng aalis ang tindero ay pinigilan siya ng vlogger at sinabing may ibibigay siyang regalo.
Mapapansin kay Oman ang pagkagulat at saya. Binigyan siya ni Denso ng pera at sinabing pambibili umano niya ito ng bigas at cake para sa anak ng kanyang kapatid na magbibirthday.
Kitang kita sa mukha ni Oman ang labis na tuwa sa natanggap na tulong. Aniya 20 years na siyang nagtitinda ng unan at ngayon lamang siya nakatanggap ng malaking biyaya.
Panoorin ang buong video sa ibaba:
***
Source: Denso Tambyahero