Security guard na nag bisikleta ng halos 5 kilometro para isauli ang naiwang pitaka ng may-ari, reregaluhan ng kotse - The Daily Sentry


Security guard na nag bisikleta ng halos 5 kilometro para isauli ang naiwang pitaka ng may-ari, reregaluhan ng kotse



Ang pagiging matapat at mabuti sa kapwa ay tiyak na masusuklian ng biyaya at pagpapala. Ito rin ay napakasarap na pakiramdam lalo na’t wala tayong hinihinging kapalit.
Aina Townsend / Photo credit: Aina Townsend 

Sa bawat kabutihang nagagawa natin ay siguradong may kapalit ito na higit pa sa ating inaakala.

Katulad na lamang ng security guard na si Aina Townsend mula sa Waiehu, Hawaii, na nagbisikleta ng halos 5 kilometro maisauli lamang ang pitaka na naiwan ng isang customer.

Isang araw ay laking gulat na lamang ng mag-asawang sina Chloe Marino at Gray ng kumatok sa kanilang pinto si Aina.
Chloe and Gray Marino / Photo credit: Chloe's IG account

Ani Chloe, nagmamadali raw siya sa isang grocery store kasama ang kanyang 5-month old na baby nang mawala ang kanyang pitaka.
Gray Marino and Aina Townsend / Photo credit: CNN

"I was shocked at first. I didn't even realize I had lost it. He definitely went out of his way for a complete stranger which was so amazing,” sabi ni Chloe.

Halos isang oras namang nagbisikleta si Aina sa kalsadang matarik maisauli lamang ang pitaka ni Chloe.

Laking pasasalamat ng mag-asawa kay Aina at hindi napigilan ang paghanga sa security guard.

Ipinost ni Gray ang kabutihang loob ni Aina sa kanyang Facebook account na agad namang nag-viral.

He literally rode his bicycle to return her wallet. Completely full of everything important to her including cash. Nothing was so much as moved,” saad ni Gray.


Isa sa mga humanga kay Aina ay ang kaibigan ni Gray na si Greg Gaudet na gumawa ng GoFundMe campaign upang subukang makalikom ng $5,000 na ipambibili ng secondhand na kotse at ireregalo sa sekyu bago dumating ang Bagong Taon.

Gray and I would like to raise $5,000 so we can buy Aina a used car before New Years, 1/1/21. It’s probably a long shot, but he deserves it, and Gray and I will be the first to contribute,” sabi ni Greg.

Nagulat si Greg sa dami ng donors na tumugon sa kanyang campaign. Aniya, $5,000 lang ang kanyang inaasahan malilikom ngunit umabot na iyon sa $23,000 makalipas lamang ang anim na araw.

Thank you everyone for your generous donations!!! We have been BLOWN away by everyone’s love and generosity. We were just hoping to raise at least $3k. I just cannot believe we’re approaching $23k!” saad ni Greg.

Sa ngayon ay umabot na sa $25,416 ang donations.

Lubos naman ang pagpapasalamat ni Aina sa mga nagdonate sa GoFundMe. Aniya, malaking bagay daw iyon dahil mapapalitan na ng kotse ang kanyang bisikletang araw-araw niyang ginagamit sa loob ng limang taon. 

"It means a lot. It's not only about having better transportation. I can do more stuff for my family now. That's the bigger part of the picture,” sabi ni Aina.

Sa isang interview ng CNN kay Aina, sinabi nitong nawalan na rin siya ng pitaka noon kaya alam niya ang pakiramdam ng mawalan.

"You know, I lost a wallet before too and it's the worst thing in the world. I was just doing what I felt was the right thing to do,” sabi ni Aina.


***