Rider na may sakit at pilit kumakayod nag tape ng note sa likod para sa kapwa motorista, umani ng simpatya - The Daily Sentry


Rider na may sakit at pilit kumakayod nag tape ng note sa likod para sa kapwa motorista, umani ng simpatya




Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia



Mahirap mamuhay sa Metro Manila, dahil sa sobrang busy at mabilis ang buhay dito sa syudad. Kailangan ay doble sipag at madiskarte ka, lahat halos ng tao ay nagmamadali sa pagpasok sa kani-kaniyang trabaho.


Ang lahat ay nagkukumahog makapasok ng maaga sa mga opisina, upang maagang makasakay at makaiwas sa trapiko. *



Kaya naman bawat motorista ay kani-kaniyang unahan sa kalsada, kahit kung minsan ay nawawala na ang konsiderasyon sa kapwa at ibang motorista.


Kanya kanyang overtake, madalas pa nga ay nagagalit pa ang iba dahil sa makupad ang driver na nasa unahan nila. Pero nalilimutan na siguro natin na baka naman ang kapwa driver o di kaya naman ay ang iba nating kapatid na motorista ay may pinagdadaanan lamang o di kaya naman ay may ini-indang karamdaman.


Gaya na lamang ng isang rider na ito na nakita ng isang netizen habang binabaybay nila ang kahabaan ng Commonwealth avenue na may nakadikit na mensahe sa kanyang likuran. 


Ayon sa post ng netizen na ito na kinilalang si Ms. Aizel Lezia, nakasabay nila ang nasabing rider sa Commowealth avenue kasalukuyang rush hour dahil uwian na ng mga galing sa trabaho. *


Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia

"Nakita ko lang kagb sa kahabaan ng trafic sa commonwealth ave. Nawala ang panandaliang pagod nmin sa nakadikit kay manong... Get wel po and Keep safe manong..hihihi" caption ng post ni Ms. Aizel tungkol sa rider na kanilang nakasabay.



Napansin nila si kuyang rider na tila mabagal lang ang kanyang takbo at sinisingitan na sa kanyang daan ng iba pang rider.


Nang malapitan nila ang nasabing rider, nakita ito ni Aizel at agad na kinuhaan ng litrato si kuya at ang nakadikit na mensahe sa kanyang likuran.


Nalaman nila na ang rider na ito ay may iniindang trangkaso pala. At kahit mabigat ang nararamdaman ay pinilit pa rin nitong pumasok sa kanyang trabaho upang may maipangtustos sa pangangailan ng kanyang pamilya.


Kaya naman, naglagay ng mensahe ito sa kanyang likuran upang maiwasan nya ang pagkainis ng ibang motorista sa kanya dahil sa mabagal lamang ang kanyang patakbo. Humingi na din ng pasensya si kuyang rider sa mga kapwa nya motorista at humingi ng pasensya dahil dito. *



Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia



Hindi na nakuha ng neitzen ang pangalan ni kuyang  rider at sa post ni Aizel na ito, umani ng paghanga ang mga netizens sa rider na may sakit.



Nakakalungkot para sa rider na ito, dahil sa kabila ng nararamdamang trangkaso ay kailangan pa rin nito magbanat ng buto.


Nagviral sa social media ang post na ito ni Ms. Aizel. Umani naman ng simpatya at papuri si kuyang rider sa mga netizens na ito.


Samantala, nagkomento naman ang katrabaho ni kuyang rider sa nasabing post ni Aizel, at pinatotohanan nya na may sakit nga ito noong araw na iyon. 


Sinabi din nya na mabait nga talaga ang kaopisina nilang ito at masayahin, matulungin, magalang at talagang masipag ito.


"He is our dear staff... he has a very bad flu but manages to report to work. He is well known at our office as a kind, courteous, jolly, and hardworking workmate. I am proud of you Joey. " ani ng kaopisina ng rider. *


Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia



Narito ang ilan sa mga saloobin at opinyon ng mga netizens hinggit sa pangyayari kay kuyang rider, narito ang ilan.



"Mahirap talaga mag drive kapag may sakit. Naranasan ko yan masama pakiramdam ko habang pauwi ako galing school, dalawang beses ako muntik mabangga hahahaha..."


"Respect motorcycle drivers kasi si papa mabagal din mag patakbo may epilepsy kasi si papa kya mabagal sya mag patakbo sa araw araw nya na pagbyahe paikot sa manila at uuwi sa antipolo "


"Baka namn pag magaling ka na kuya 80 na takbo mo sa commonwealth. Haha.. Nakaka goodvibes though.. Pagaling ka na kuya, Atleast Safe Sia ..nag abiso na kesa mapaaway or may mabadtrip sa knya hehehe ..get well soon Po... "


"Marami kasing mga kaskaserong driver na halos gusto ng sagasaan ang mga mababagal na motor sa high way. Kaya kailangan pa ni kuya mag-explain kung bakit sya mabagal. "  *




Photos courtesy of Facebook @Aizel Lezia