Photo Courtesy: Wowcordillera |
Kinamumuhian man ng iilan ang buong hanay ng kapulisan dahil lamang sa isang kasapi nila na kamakailan ay nakagawa ng hindi maganda na siyang ikinagulat at ikinabahala ng marami.
Naging mainit sa mata ng mapaghusgang lipunan ang mga kapatid nating kapulisan, nakakalungkot dahil para sa kanila ang kasalanan ng isa ay tila kasalanan na ng buong sangkapulisan.
Katulad nalang ng isang kabutihang loob na ipinakita ng isang Pulis na si PCpl Reynaldo Moyaem mula sa Baguio City kung saan tinulungan niya ang isang matandang lalaki na palaboy nalang sa lansangan.
Binigyan ni Moyaem ng mga makakain ang isang matanda na halata sa itsura at kanyang pangagatawan na siya’y nangangailangan ng tulong, kaya agad naman itong tinulungan ng pulis.
“He can not feed himself so I gave him food to eat,” saad ni Moyaem.
Isa ang mga kapulisan a mga nangunguna sa tuwing may panahon ng sakuna at mga kalamidad |
Patunay ang kabutihan ni Moyaem na kahit sa maliit ng bagay para sa kanya ang pagtulong sa iba, isa na itong hulog ng langit at malaking bagay para sa katulad ni Tatay na hirap at walang-wala.
Salamat sa inyong kabutihan Sir. Saludo!
***
Source: Wowcordillera
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!