Bumuhos ang pakikiramay sa social media ng mga netizen kasunod ng pagkawala ng dalawang sibilyan na nasangkot sa isang mainit na argumento kasama ang isang pulis.
Dahil dito, hindi naiwasang magalit ng marami sa organisasyon na kinabibilangan ng tiwaling lalaki.
Kasunod nito ay ang pakiusap ng ilang myembro sa hanay ng mga kapulisan na huwag silang lahatin dahil hindi kasalanan ng lahat ang kasalanan ng iilan.
Tulad na lang ng Facebook post ng isang pulis kung saan inihayag nya ang kanyang pakikiramay sa mga yumaong sibilyan kasabay ng kanyang paninindigan na taas noo nya pa rin umanong isusuot ang kanyang uniporme dahil hindi sya ang gumawa ng naturang kasalanan.
Basahin ang buong pahayag:
NAKAKAPANGHINA, pero--
Taas noo ko pa rin na susuotin ang uniporme ko.
Dahil HINDI KO KASALANAN ang KASALANAN MO.
Higit sa lahat, HINDI AKO TULAD MO.
HINDING HINDI magiging tulad mo.
Sa batang kapulisan ng Pilipinas, PAKIUSAP
Sikapin nating maging maka tao sa lahat ng oras at dalhin natin ito hanggang sa pag tanda sa sinumpaang serbisyo.
HUWAG TULARAN ANG MGA MALI AT LAGING PILIIN ANG MAGING MABUTI.
PAKIUSAP
Hanggad ko po ang hustisya para sainyo Nanay Sonya at Kuya Frank.
(Caption credited to the rightful owner)