Pulis Ifugao, kinupkop ang 90yrs old na Lolang mag-isa sa buhay at walang makakain - The Daily Sentry


Pulis Ifugao, kinupkop ang 90yrs old na Lolang mag-isa sa buhay at walang makakain



Photo Courtesy: Wowcordillera


Gaano mo ba kamahal ang mga magulang o mga kapamilya mo? 


Isa sa mga pinakamasakit na pangyayari at patuloy na nangyayari ngayon sa lipunan ay ang pag aabandona ng mga iilang walang pusong mga anak at kapamilya sa kanilang mga magulang. Hinahayaan nalang mag-isa sa buhay ng walang nag aalaga. 


Tila hindi batid ng iilang mga Anak, ang hindi matutumbasan ng kahit ano mang halaga ng pera o ng mga bagay, ang hindi na mabilang na mga pagsasakripisyo at paghihirap ng kanilang mga magulang upang mapalaki lang sila ng maayos, ay nagagawa padin nilang hayaan nalang ang kanilang magulang.



Kahit pa man sa kasamaan ng iba, may mga mabubuting kalooban padin ang handang tumulong at lingapin ang mga matatandang iniwan na ng pamilya. 


Photo Courtesy: Wowcordillera

Katulad nalang ng nakakahabag damdaming aksyon na ginawa ng isang Pulis mula sa Ifugao sa isang 90-na taong gulang na si Lola Aida Paduyao na naminuhay nalang ng mag-isa at hindi na makayanan pang maghanap ng kanyang makakain sa arawa-araw. 


Ang kabutihang loob na ginawa nila kay Lola ay parte ng “Adopt a Family” program na inilunsad ng Ifugao PPO, 


at patuloy na sinusuportahan ng ating mga matitikas ngunit may mga malalambot na puso para tumulong na kapulisan ng Kiangan Municipal Police Station. 


Sa inilunsad na proyektong ito, nagagawa ng mga mabubuting Kapulisan ang makapag-abot ng tulong sa mga taong lubos na nangailangan, mula mismo sa kanilang mga sariling bulsa at ambag-ambag na halaga. 


Photo Courtesy: Wowcordillera

May mga iilan man na iba paring ang pagtingin sa mga kapulisan dahil narin sa ibang gumagawa ng masama na nakakasira sa kanilang hanay ay mas madami padin naman ang may mga mabubuting puso para kapwa at sa bayan. 



Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar


***

Source:  Wowcordillera

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!