Ang mga Ninong at Ninang sa binyag ang siyang tumatayong pangalawang magulang ng mga batang inaanak nila. Sila ang tutulong upang lumaki ng may respeto, maging responsable at may takot sa Diyos ang mga bata.
Ngunit habang nagdaan ang mga panahon ay tila nag-iba narin ang mga paniniwala ng iilan, lalong-lalo na sa mga magulang ng mga bata na siyang unang magpapaintindi sana sa kani-kanilang mga anak tungkol sa tunay na kahalagahan ng mga Ninang at Ninong nila.
Aniya ng kanyang galit na kumare, hindi na nga umano siya nakapagbigay nung kaarawan ng kanyang anak ay dapat bumawi nalang siya sa pasko bilang Ninang kasi bigayan naman ng bonus at 13th month, ngunit bakit wala padin,”Tinataguan mo pa kami.”
|
Nang dahil marahil sa sunod-sunod na mga pagsubok na kinakaharap ng lahat ngayon, marami din ang hindi na kayang paglaanan pa ng panggastos ang mga ibibigay na mga aguinaldo para sa mga inaanak. Lahat ay may kanya-kanyang pinapasan na suliranin.
“Tanggalin po natin ang ganitong kaugalian.” 2
“Hindi nila obligasyon ang magbigay or magregalo.”paalalang saad ni Arlene sa kanyang post.
|
|
|
Bumaha din ng mga komento mula sa mga netizens, at 'di nakapagtimpi sa kanilang mga opinyon at mga reaksyon sa pagpupumilit ng isang magulang para lang sa regalo at pera mula sa Ninang ng anak:
Jusko po! Bakit Kasi nakaugalian na ng ibang nanay ang humingi ng regalo. Dapat kusa. At wag ding turuan ang mga anak humingi ng regalo habang bata sila para di sila masanay humingi ng regalo pagsapit ng pasko. Mas mabuti turuan silang magbigay Kung may ibibigay. - Vilma Bautista Amoroso
Kumuha next time ng may Jesus sa puso. Yung may foundation sa Word of God. Hindi importante Ang pera, Ang Mahalaga Maging Mabuting gabay, ehemplo at ilalapit ka sa Diyos. Yung materyal na bagay, bonus lang yan hindi dapat yan Ang maitatak sa mga isipan ng ating mga anak. Thanks ma'am for reminding us. Merry Christmas and a significant new year.🤗🙏 - Chris Gonzales Roque
Narito ang kanyang buong post:
#JustSaying☺️
Huwag ganito please. Hindi nila obligasyon ang magbigay or magregalo.
Tanggalin po natin ang ganitong kaugalian. Hayaan natin na ang ninang at ninong ang kusang magbigay dahil ang obligasyon nila ay hindi taga-bigay ng pera o regalo, kundi ang maging pangalawang magulang at gabay nila kapag wala tayo sa tabi ng mga anak natin☺️
Never teach ur children that they are entitled with gifts and money every special occasions.
#PaalalaLangPo☺️
***
Source: Arlene Pacho
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!