Sabi nga nila, ang pagiging isang ina ang pinakamahirap na trabaho sa lahat. Simula sa kanilang pagbubuntis ay maraming hirap na silang pinagdaanan.
Hanggang sa paglaki ng kanilang mga anak ay hindi pa rin natatapos ang kanilang pag-aalaga.
Kaya naman napakaswerte ng mga anak na mayroong inang mapagmahal at kayang gawin ang lahat ng sakripisyo para sa kanila.
Kamakailan lamang ay isang ina ang tinaguriang Wonder Woman at umani ng maraming papuri at paghanga mula sa mga netizens.
Sa programang “Wish Ko Lang” ng GMA 7 ay itinampok ang pambihirang kwento ni Wonder Mom Joan Diviva.
Ayon sa kwento ng Wish Ko Lang, simula noong magkaroon ng pandémya ay hindi na raw nakauwi ang asawa ni Joan. Hindi rin ito nakakapagpadala ng pera para sa kanilang gastusin.
Si Joan ay dating fruit vendor at ang kanyang mister na si Sherwin ay isa namang construction worker.
Noong ipinatupad ang enhancéd community (´ECQ), nalugi ang fruit stand ni Joan at si Sherwin naman ay naging LSI o “locally stranded individual” sa Rizal, kung saan siya nagtatrabaho.
Upang may pambili sa kanilang araw-araw na pangangailangan ay naisipan ni Joan na maghanap ng trabaho. Doon nga siya nakapasok bilang isang construction worker.
Batid sa ating lahat na ang pagiging isang construction worker ay trabaho lamang ng mga kalalakihan dahil ito ay napakahirap, napakabigat at delikadong trabaho.
Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi alintana ni Joan ang mga ito dahil kailangan niyang kumita ng pera upang may maipakain sa kanyang mga anak.
Sa araw-araw ay talaga namang pagod na pagod si Joan. Sa umaga umano ay pumapasok siya bilang construction worker at sa tanghali naman ay ipinagluluto niya ng pagkain ang kanyang mga anak.
Talagang humanga ang mga netizens kay Wonder Mom Joan dahil sa walang humpay na pagmamahal nito sa kanyang pamilya.
Samantala, nagbigay ng tulong ang Wish Ko lang sa pamilya ni Joan lalo na sa mga anak nito. Tinulungan din ng program ang asawa ni Joan upang makauwi na sa kanilang bahay.
Kabilang na ang bagong e-bike para sa kanilang bagong prutasan, online business ng beauty products, scholarship grant para sa panganay nilang si Kryzia, bagong laptop, pocket Wi-Fi, cellphone, at 'Wish Ko Lang' savings.
Narito ang komento ng mga netizens:
***
Source: GMA Network