English-Speaking na Palaboy, Viral dahil sa mga Bentang Hugot Lines at Life Lessons - The Daily Sentry


English-Speaking na Palaboy, Viral dahil sa mga Bentang Hugot Lines at Life Lessons



Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Kamakailan ay nag-viral online ang isang palaboy na sadya nga namang kakaiba dahil sa pagsasalita nito ng ingles.

Marami rin ang naaliw sa kanya dahil sa mga hugot lines at inspiring life lessons na kanyang mga sinambit sa nasabing viral video.

Siya ay si Roberto, na mas kilala na ngayong si Berta, tubong Cebu City, pang-apat diumano sa limang magkakapatid.


Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Isang dating guro na nabigo sa pag-ibig si Berta. Nalulon diumano sa masamang bisyo at ng iwan ng partner ay nagpalaboy-laboy na lamang sa kalye.

Ngunit dahil nga sa kakaibang galing nito sa pag-iingles ay marami ang naaliw dito at ang iba nga ay ibinabahagi sa social media ang kanilang pagtatagpo ni Berta.

Kwento ng kapatid ni Berta, na si Evangeline, sobra siyang naawa sa kapatid ng nakita niya ang viral videos nito at makita ang kalagayan nito ngayon. 

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Ayon sa kanya, noon pa man ay hindi na naging madali ang kanilang buhay na magkapatid. Maaga silang iniwan ng kanilang ina ng pumanaw ito at ang kanilang ama naman ay lulon sa alak noon. Tanging ang mga kamag-anak lamang daw nila ang tumulong upang sila ay mapag-aral.


Ngunit hindi naging hadlang ang kahirapan upang nakatapos sa pag-aaral si Berta. Sa katunyan, nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Education, Major in English at naging isang guro noon.

Subalit nagsimulang masira ang buhay ng kapatid ng umibig ito sa isang lalaki at humiwalay na sa kanilang pamilya.

Saad ni Evangeline, natutong magbisyo si Berta simula noon at ng iwan ng kinakasama ay tuluyan ng nagbago at nawala sa hustong pag-iisip, hanggang sa naging palaboy sa loob ng 17 years.

Sa kabutihang palad ay may isang good samaritan na nakakita kay Berta sa lansangan. Siya ay si Anton Camilo, isang vlogger.

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Ani Anton, ninais niyang matulungan si Berta, sapagkat tulad nito, ay nagdaan din siya sa matinding depresyon at naniniwala siya na mapapagaling ito sa tulong niya.

At doon nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan. Ayon kay Anton, itinuring niyang isang kapatid at kuya si Berta. Pinapakain niya ito at dinadalaw, tatlong beses sa isang linggo.

Dito niya napagtanto na malaki pa ang pag-asang magbago ng kanyang kuya Berta dahil sadyang matalino ito at maraming nakakainspire na life lessons at word of wisdom.

"Marami siyang mga word of wisdom. Iyong language niya, English, Tagalog, Cebuano," ani Anton.


"Itinuring ko si kuya na kapatid ko. Tinutulungan ko si kuya Berta kasi naranasan ko rin iyon, so kailangan ng tao na umiintindi. Sabi ko sa sarili ko ayaw kong bitawan si kuya Berta hangga’t hindi ko matapos iyong gusto kong tulong.", dagdag niya.

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa pagnanais na lubusang matulungan si Berta ay nagdesisyon siyang ipagamot ito at dalhin sa isang rehabilitation na Safehaven Add!ction Treatment and Recovery Village. Kanya ring ipinagpaalam ito sa kapatid na si Evangeline, na nagbigay naman ng pagsang-ayon sa kanyang desisyon.

Agad namang pumayag at nakiisa si Berta sa pagpapagamot sa Safehaven at ngayon nga, matapos ang isang buwan paninirahan at pamamalagi doon ay malaki na ang ipinagbago ng dating palaboy sa kalye na si Berta.

Malinis at malusog na ang pangangatawan nito at mas naiintindihan na ang kanyang pananalita. Naging matino na rin ang kanyang pag-iisip.

Ito ay dahil sa pagsailalim niya sa mga life coaching and check-ups at paglalaro ng sports sa loob ng rehab.

Kanya ring malinaw ng naibahagi ang mga pinagdaanan sa buhay at naging tapat sa mga maling nagawa noon at madilim na nakaraan, dahilan kung bakit siya pansamantalang nawala sa kanyang sarili, nagpalaboy-laboy sa kalye, namalimos at naranasang apihin ng kapwa.

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

"To be honest, ayokong magsinungaling, ha? Drvg add!ct ako. Ad!k ako, sir. Panginoon, I will never lie. Ad!k ako.", ani Berta.


Kaya naman sobrang laki ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya, lalong-lalo na kay Anton na siyang naging instrumento sa kanyang pagbabagong-buhay.

Muli ding nagkita ang magkapatid na si Berta at Evangeline ng bisitahin ng huli ang kapatid sa Safehaven. Ani Berta, sobrang saya niya sa loob ng facility na iyon at kanya ring iniintay ang paglabas doon matapos ang 9 na buwan.

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Nag-iwan naman ng isang napakagandang mensahe si Berta sa tulad niyang may pinagdadaanan din sa buhay.

"All I can say is do good, be good and be hardworking. And don’t follow some of the people who are taking drvgs. Live a new life and good life,",  pagtatapos ng dating palaboy na si Roberto aka Berta.