Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay napakahirap. Bukod sa kailangan mong makisama sa ibang lahi, kailangan mo rin tiisin ang pangungulila sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay.
Minsan ay mas nagpapahirap pa kung ang iyong employer ay malupit at hindi maganda ang trato sa iyo. Ngunit minsan ay makakatagpo ka rin ng mabait at mapagmahal na amo.
Ito ang naranasan ng isang OFW mula sa Singapore na si Gemma Sotelo Sinogo na nakapagpatayo ng bahay para sa kanyang mga magulang dahil sa mababait na amo.
Ayon kay Gemma, 12 years na siyang OFW at napaka swerte niya dahil nasa mabubuting kamay siya ng employer na marunong pahalagahan ang mga kasambahay na katulad niya.
Si Gemma at ang kanyang dalawang anak / Photo credit: Gemma Sotelo Sinogo
“Super bait po ng mga amo ko ngayon. Sa katunayan nagpakuha sila ng kasama ko dito sa bahay at yung kapatid ko ngayon ang kasa-kasama ko. Yearly nila kaming pinapauwi at lahat ng benefits ibinibigay nila sa amin,” sabi ni Gemma.
Dahil mabubuti ang kanyang amo, mabilis nakaipon si Gemma at naipagpatayo niya ng bahay ang kanyang mga magulang.
Ayon kay Gemma, pagpapasalamat umano niya sa kanyang magulang ang bahay na ipinatayo niya dahil sila narin ang nag alaga sa kanyang mga anak.
Narito ang kanyang buong post:
"Ako si Gemma Sotelo Sinogo, 39 years old isang OFW from Singapore. Helper ako dito, 12 yrs na ako as OFW.
Full-time mother ako dati bago ako nag-abroad. Naisipan ko pong mag-abroad dahil sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay ang aking 2 anak at ang aking mga magulang. Single parent na po ako.
Super bait po ng mga amo ko ngayon. Sa katunayan nagpakuha sila ng kasama ko dito sa bahay at yung kapatid ko ngayon ang kasa-kasama ko. Yearly nila kaming pinapauwi at lahat ng benefits ibinibigay nila sa amin.
Sa katunayan kahit helper ako di kami naapektuhan ng pandemic dahil tuloy pa rin ang aming sahod.
Nakapagpatayo po ako ng bahay para sa mga magulang ko at dahil dun na rin nakatira ang 2 kong anak. On going rin ang pagpapatayo ng 2nd floor.
Ito naman ang plano ng bahay na ipapagawa ni Gemma / Photo credit: Gemma Sotelo Sinogo
Nagpapasalamat ako kahit malayo ako sa aking pamilya, naibibigay ko ang pangangailangan ng 2 kong anak at ng aking magulang.
Time na rin siguro na tumanaw ako ng utang na loob ko sa aking parent na siyang naghirap sa amin. Eto po ang magandang naidulot sa aking pagtatrabaho dito sa ibang bansa.”
***
Source: KAMI