Ang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay napakahirap lalo na kung ang kanilang amo o employer ay hindi maganda ang trato sa kanila.
Madalas tayong makabalita ng mga OFW’s na sinasaktan o inaabuso ng kanilang mga amo, kaya naman napakaswerte ng mga OFW’s na mayroong mabuting employer.
Sa ngayon ay nakikipaglaban ang buong mundo sa kumakalat na C0vid-19 at isa sa mga kinakatakot ng mga OFW’s ay ang mahawaan nito.
Samantala, isang OFW mula sa Dubai ang tinamaan ng C0vid at naospital ng apat na buwan.
Kinilala ang OFW na si Francis Feliciano, 46, isang executive ng isang multinational food company sa Dubai.
Francis Feliciano / Photo credit: Trendzshares
Francis Feliciano and the health workers / Photo credit: Trendzshares
Ilang taon na umanong nasa kompanya si Francis at naging maganda ang kanyang track record. Kaya noong magpositibo siya sa C0vid-19 ay sinalo lahat ng kompanya ang kanyang hospital bills na nagkakahalaga ng P10M.
Noong April 13 dinala sa ICU of Canadian Specialist Hospital (CHS) sa Abu Hail si Francis matapos siyang magkaroon ng mataas na lagnat at patuloy na pag ubo.
Ang asawa ni Francis na si Sheila ay nasa Canada noon at ang anak naman nila ay nasa Pilipinas. Kaya walang nag alaga sa kanya kundi ang mga health workers.
Ayon kay Sheila, araw-araw ay nag-aalala siya sa kanyang asawa.
“Every time na tumatawag ako sa doktor, ‘yun ang sinasabi na tulog daw si Francis kasi na-intubate na raw siya,” saad ni Sheila.
Sa apat na buwan ni Francis sa ospital ay dalawang buwan raw siyang naka-intubate dahil sa hirap ng paghinga. Aniya, apat na beses na rin daw siyang ini-revive kaya sobra sobra ang kanyang pasasalamat sa tulong ng mga nurse at doktor na nag-alaga sa kanya.
“I thank God I survived this terrible ordeal and thank the hospital for not giving up on me and taking such good care. I feel better now. I am able to talk with my family on video chat and am hoping to recover completely and look forward to meeting my wife and son soon,” sabi ni Francis.
***
Source: Trendzshares