Ninong dismayado sa inaanak na nalungkot umano sa P250 na pamasko - The Daily Sentry


Ninong dismayado sa inaanak na nalungkot umano sa P250 na pamasko



Tuwing kapaskuhan ay naging tradisyon na ang pagbibigay ng mga ninong at ninang ng regalo/aginaldo sa kanilang mga inaanak.
Raevin Amante Bonifacio / Photo credit: Facebook

Kung dati ay masaya na ang mga kabataan sa simpleng laruan at kaunting halaga ng pera, ngayon ay tila naglevel-up na rin ang kanilang hinihingi na hindi naman ikinakatuwa ng marami.

Sabi ng ilan ay hindi naman talaga ang mga bata ang nagrereklamo tuwing makakatanggap ng maliit na halaga ng pera, kundi ang kanilang mga magulang.

Gaya na lamang ng isang netizen na nadismaya sa kanyang inaanak matapos umano nitong malungkot dahil P250 lamang daw ang kanyang natanggap na aginaldo.

Sa Facebook post ni Raevin Amanete Bonifacio, ibinahagi nito ang mga screenshots ng usapan nila ng kanyang kaibigan.
Photo credit : Raevin Amante Bonifacio 
Photo credit: Raevin Amante Bonifacio

Ayon kay Raevin, kung tutuusin raw ay hindi naman siya obligadong magbigay ng pamasko sa anak ng kaibigan dahil wala naman daw siya sa listahan ng ninong/ninang noong binyag. 

Aniya, kahit nga raw pandemya ay hindi pa rin niya kinalimutan ang magbigay.

Sinabihan din ni Raevin ang kaibigan na turuan ang anak nitong maging “thankful” sa kung anomang matatanggap, maliit man ito o malaki. Dagdag pa niya, hindi maganda na sa murang edad ng bata ay nagiging demanding na ito. 
Photo credit: Raevin Amante Bonifacio
Photo credit: Raevin Amante Bonifacio

please turuan niyo mga anak niyo maging thankful kahit sa maliit na Bagay lang.“

Ayon pa kay Raevin, baka raw hindi naman yung bata ang nagrereklamo, kundi ang magulang nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 13k reactions at 28k shares ang post ni Raevin.

Narito ang buong post ng netizen:

"please turuan niyo mga anak niyo maging thankful kahit sa maliit na Bagay lang. Ang sarap kaya sa feeling na naalala yung mga anak kahit taon-taon!

NINONG/NINANG kami para gumabay habang Lumalaki sila Bonus nalang yung mga Regalo every christmas at birthdays nila. Napakahirap ng buhay ngayong PANDEMIC ganyan pa! dati bente lang basta malutong happy na kami!

Ps : di din ako sure kung yung bata ba malungkot o yung nanay!"

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:








***