Ninong at Ninang, hindi sila kinukuha para gawing sponsor ng binyag o ng birthday. Lalo na hindi utangan; paalala ng Netizen - The Daily Sentry


Ninong at Ninang, hindi sila kinukuha para gawing sponsor ng binyag o ng birthday. Lalo na hindi utangan; paalala ng Netizen



Photo Courtesy: FactNews

Marami ngayon ang mga naibabahaging mga masasaklap na kwento ng mga magagandang relasyon ng mga Ninang/Ninong, Kumare/Kumpare at maging ng kanilang mga anak at inaanak na naging pangit ang kinahahantungan. 

Tila taliwas sa sana’y pagiging pangalawang magulang ang gawing "major sponsor at financer" sa kung ano mang sasapit na okasyon ng mga inaanak.


Isang magandang paalala ngayon ang inalathala mula sa isang page na “Momshies Diary” para mapapaalahanan ang lahat sa kung ano ang tunay na bahagi at tungkulin ng mga kinukuhang mga Ninong at Ninang sa binyag. 



“Hindi ka required gumastos. Hindi ka kinuhang ninong at ninang para maging financer ng binyag, birthday o ano mang okasyon ng pamilya namin.” saad sa post. 


Photo Courtesy: PH Primer


“Hindi mo kailangan intindihin ang ireregalo mo sa akin sa Pasko. Makita lang kayo ay masaya na ako.” 


Nagiging kadalasang ugat ng away ng mga magkumare at magkumpare ang pagpapasagot ng iilan sa mga gastos sa okasyon at pamimilit ng iba sa mga gustong regalo at interes na nila hindi na ng kanilang mga anak. 


“Sila ang gagabay at tutulong sa satin para sila ay mapalaking mabuti at nasa ayos. Hindi sila kinukuha para gawing sponsor ng binyag o ng birthday. Lalo na hindi utangan.” 



“Normal ang nagtutulungan sa magkumare o kumpare pero wag tayong sosobra at maging demanding.”


Narito ang kanyang post: 


Dear Ninong at Ninang,

Bilang inaanak, ito ang tatlong bagay na gusto kong malaman niyo.

💗Hindi mo kailangan intindihin ang ireregalo mo sa akin sa Pasko. Makita lang kayo ay masaya na ako.

hoto Courtesy: FactNews

💗Hindi ka required gumastos. Hindi ka kinuhang ninong o ninang para maging financer ng binyag, birthday o ano mang okasyon ng pamilya namin.

💗Ninang o ninong kita kasi may espesyal kang parte sa buhay namin at tiwala ang magulang ko na magagabayan mo ako ng mabuti. ☺️
Salamat sa pagtanggap bilang ikalawang magulang ko.😍

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
Para sa mga nanay at tatay,

Tandaan natin na ANG TUNAY NA TUNGKULIN NG MGA NINONG AT NINANG AY TUMAYONG IKALAWANG MAGULANG NG ATING MGA ANAK. Sila ang gagabay at tutulong satin para sila ay mapalaking mabuti at nasa ayos.


Hindi sila kinukuha para gawing sponsor ng binyag o ng birthday. Lalo na hindi utangan. Normal ang nagtutulungan sa magkumare o kumpare pero wag tayong sosobra at maging demanding. Matuto tayong maging masaya sa kung ano ang kayang ibigay ng mga tao. May regalo o wala, magpasalamat tayo ☺️

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
Para sa mga inaanak ko,

MAHAL KAYO NI NINANG, MERRY CHRISTMAS! 😆😚😆


***


Source:  Momshies Diary


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!