Photo Courtesy: Kyla Jenner |
Nag-viral kamakailan ang post ni Kyla Jenner, isang Ninang na naglabas ng kanyang sama ng loob tungkol sa pang oobliga at pamremressure ng Nanay ng kanyang inaanak na magbigay siya umano ng kahit 15K lang naman na halaga para sa gastos ng anak nila sa planong bakasyon ng pamilya sa ibang bansa.
Halo ang mga pagtanggap ng mga mambabasa sa kanyang ginawang post, may mga nakakaintindi at sumuporta sa kanya, at mayroon ding mga hindi nagets ang kanyang saloobin at hindi naniniwala sa kanyang kwento.
Sa kanyang unang post na ginawa, ikinagalit ng kanyang kumare na nagngangalang Liezel ang pagtanggi niya sa tanging hiling at request ng anak nito para kay Kyla ang suportahan ang gastos nito pa-HongKong, upang makasama sa kanilang mag-asawa sa bakasyon.
Hindi ito umano ang unang pangyayari na siniraan siya ni Liezel dahil sa hindi niya lang napagbigyan sa hinihinging pabor at utang.
Kwento niya, nangungutang ito sa kanya ng 10K para umano pandagdag bayad sa insurance ng kanilang sasakyan, noong habang nasa kalagitnaan pa ng pandemya kun saan hirap at kapos din siya kaya 500 lang ang nakayanan nitong ibigay.
Ang akala Kyla na maiintindihan siya ng kumare niya, pero kabaligtaran ang nangyari, minura siya nito at pinagkakalat pa sa iba na nagmamayabang lang daw siya, isang climber pero wala namang maipautang na sampung libo.
Ang mga Ninong at Ninang sa binyag ang siyang tumatayong pangalawang magulang ng mga batang inaanak nila. Sila ang tutulong pagabay upang lumaki ng may respeto, maging responsable at may takot sa Diyos ang mga bata.
Photo Courtesy: FNPH |
Ngunit habang nagdaan ang mga panahon ay tila nag-iba narin ang mga paniniwala ng iilan lalong-lalo na sa mga magulang ng mga bata na siyang unang magpapaintindi sa kani-kanilang mga anak ang tunay na tungkulin ng mga Ninang at Ninong nila.
Narito ang kanyang buong sagot at komento:
Yung mga haters gonna hate jan diko need ng likes nyo haha get out of my post maghanap kayo ng ibang chismis.
to see is to believe pala di hanapin nyo by your own si mareng liezel. Di pa naman ako tanga para makulong ako for cyber bullying kaya tinakpan ko ibang info nya im just giving awareness sa mga kumare nating abusado. Yun lamang po.
Just wanna tell you something, First of all.
Hindi ko naman kayo Pinipilit Maniwala. Believe me or Not Its your Choice. This Post is not intended to Disrespect Someone, Bu't to aware all of you, That this kind of people are still Real.
And about Tagging Her.
She Already Blocked me. She's already changed her name on facebook kaya Di nyo siguro ma search.. At isa pa Hindi naman ang purpose dito is Manira ng tao. The Point of this Post is to Stop Asking too much Favor na nakaka apak na kayo ng kapwa Nyo. Kung ano ang kaya ibigay Magpasalamat, Kung walang maibigay Magpasalamat padin.
As a Ninang of Sab my Inaanak 2yrs old na sya. for all those people who asked about her age.
Kasi Last October, Palang May Mis understanding na kami kasi nangungutang sya sakin ng Pera for The additional payment of their Car Insurance But i refuse her to borrow some money from me. Inabutan ko nalang sya ng 500 nun kasi un lang yung kaya ko sabi ko wag na nya bayaran, Kasi by that time palang Pandemic Lahat ng tao Hirap. Lahat ng tao Kapos. I expect her to understand my situation.. But what she did after ko sya bigyan ng pera ? Minura nya ako, Chinismis nya ko na Puro ako pagyayabang pero halagang 10k lang daw di ko sya pinautang, sinabihan nya kong Social Climber na kahit na minsan eh Hindi ko naman hiningi sa kanya ang lahat ng bagay na meron ako para magmukhang Presentable ako.
So please, If you are here to judge me. This is the last time i will Reply To all of your comments .
I really dont need any sympathy . Binibigyan ko lang din ng Leksyon ang Kaybigan ko sa pag take for granted na ginawa nya sakin.
Sa mga Nagtatanong about their flights Binook palang nila Ito i dont know if their flight is by next year or what so ever wala na tyong pakialam dun.
Again im just sharing you guys what i experience. You can dislike this post, Or kahit wag nyo nalang pansinin kung ayaw nyo ng sa ganun Hindi kayo ganon ka apektado na feeling Nyo eh kayo yung nasa posisyon ko. Salamat.
***
Source: Kyla Jenner
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!