Imbes na matakam, Netizen nandidiri at dismayado sa Lechong humpak, tuyo at puro dahon ng saging ang laman - The Daily Sentry


Imbes na matakam, Netizen nandidiri at dismayado sa Lechong humpak, tuyo at puro dahon ng saging ang laman





Naging tradisyon na ng marami sa mga Pinoy ang paghandaan ang mga masasarap na pagkain para sa salo-salo ng buong pamilya, sa kahit na anumang mga okasyon gaya ng fiesta, binyag, kasal, kaarawan, pasko, bagong taon at iba pang pagtitipon-tipon. Hindi diyan mawawala ang pinaka-bida sa handaan, ang Lechon. 


 Ang napakalutong nitong balat at malinamnam na laman ay talaga namang katakam-takam. Medyo may kamahalan man ang presyo ngunit dahil sa minsanan lang na pag salo-salo para sa pinakaaantay na mga okasyon ay pinaglalaanan talaga. 




Ngunit hindi maiiwasan na may mga pangit at literal na baboy ang pagkakahanda at pagkaluto ng Lechon, kung saan lahat ng inyong pananabik matikman ito ay mapapalitan ng pandidiri.


Tulad nalang ng ibinahaging pangit na karanasan ng isang netizen na si Chona Batiancila. Hindi niya mapigilang maglabas ng kanyang sama ng loob at pagbibigay babala sa mga nagbabalak bumili ng Lechon dahil sa kakaibang itsura nito nang maidineliver na sa kanila. Ang sana'y masarap na sana nilang kainan ay nauwi sa sobrang pagkadismaya.


Umorder ang kanilang pamilya ng isang buong Lechong baboy na nagkakahalagang P5,500 sa “Mira’s  Native Lechon de Cebu” sa may Tunasan, Muntinlupa, sa pag-asam-asam na masarap. 


"Hindi ko alam kung anong klaseng baboy eto. Sa halagang 5,500, eto lang pala ang mapapala namin. Sobrang disappointed ako mam!!!Yong excitement naging disappointment!!" saad ni Chona sa kanyang post. 



Kung sa iba ay mga seafoods at buong karne ng manok at kung iba-iba pa ang pinapalaman sa loob ng Lechon upang maging mas masarap, ngunit sa kasamaang palad ang natanggap nila ay purong mga isiniksik na mga dahon ng saging. 





 Sa mga ibinahaging larawan, kabaligtaran sa pagkatakam ang iyong mararamdaman dahil sa sobrang tuyo at humpak na katawan ng lechon. 


Sinubukan pa umano ng pamunuan ng Mira's Lechon de Cebu na bumawi sa pamilyang Batiancila sa nagawa nilang kasiraang serbisyo nila at nagpadala ito ng isa pang Lechon ngunit hindi rin umano nakain dahil may kung ibang amoy sa laman. 




"Sana po hindi na kayo nagpadala ng Lechon sa amin last Dec31. Hindi din naman nakakain dahil may amoy. Naka freezer po ngayon para kung sakali gusto nyo ng proof,"


"Sabi mo Ms. Mira pampalubag loob kaya ka nagpadala? Pinalala nyo lang po yong isyu. Kahit siguro kayo hindi nyo kainin yong pinadala nyo. Ginalingan niyo na sana para makabawi kayo sa una, Or saana hindi na kayo nag pilit pa na magpadala. Pinatunayan nyo lang na hindi dapat tanggkilikin ang paninda  nyo," 


Narito ang kanyang buong post:  


Shout out  po sa Mira's Lechon ng Tunasan Muntinlupa. Eto po ang diniliver nyo sa akin nung Dec 24. 


Hindi ko alam kung anong klaseng baboy eto. Sa halagang 5,500, eto lang pala ang mapapala namin. Sobrang disappointed ako mam!!!Yong excitement naging disappointment!! 


PS Mira's Native Lechon de Cebu, kaya ko ito pinost kasi hindi kayo kayo nagrereply sa mga messages ko. 





Photo Courtesy: Chona Batiancila


***

Source:  Chona Batiancila

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!