Netizen, Nagkwento tungkol sa Nakakakilabot na Sleep Paralysis na kanyang Nararanasan - The Daily Sentry


Netizen, Nagkwento tungkol sa Nakakakilabot na Sleep Paralysis na kanyang Nararanasan



Photo credit to Jonrex Abaloyan Atacador's Facebook account

Minsan ay sadyang may mga bagay na hindi natin maipaliwang. Mga pangyayaring akala natin ay imposible sapagkat hindi pangkaraniwang nagaganap sa tunay na buhay.

Halimbawa nito ay ang tinatawag na sleep paralysis, kung saan sa iyong pagtulog ay mananaginip ka ng hindi maganda na para bang humihiwalay ang iyong kaluluwa sa iyong katawan at hindi ka makapagsalita at makagalaw. Totoo nga kayang kaya nararanasan ito ay dahil may mga kakaibang nilalang sa iyong paligid na nagiging sanhi ng masamang panaginip?



Sa mga nakakaranas ng parehong sitwasyon, narito ang isang nakakakilabot na kwento ng isang netizen, kung saan kanyang ibinahagi ang naging karanasan sa pagkakaroon ng sleep paralysis.

Photo credit to Jonrex Abaloyan Atacador's Facebook account

Basahin ang kanyang buong kwento sa ibaba: 

"Sleep Paralysis

Anino sa CARDIZ na galing sa PLAZA.

Ako pala si Jonrex. Gusto ko lang ibahagi ang naranasan kong nakakakilabot at kagimbal gimbal na kwento. eto ay totoong kwento at may mga kakilala na akong naakakaalam ng aking storya.

Madami ng nakakakita ng kung ano-ano sa lugar kung saan kami nakatira, marami naring bumisita dito sa bahay at sinasabi nilang marami silang nakikita. Minsan si papa at minsan ibang tao na. Lahat kami dito sa bahay ay nakaranas na at nakakita na ng ibat ibang tao na hindi naman dapat namin kasama. 

Nag umpisa lamang ito n'ong ako'y grade 10, kakatapos lang ng Moving up namin at kumain kami ni mama sa Puregold Q.I Jollibee, dumeretso nadin sa pamimili ng paninda. Gabe narin no'ng nakauwi kami ni mama, mga 6:30 pm. Habang nasa trycicle kami ni mama may narinig akong tumawag sa pangalan ko, wala akong nakitang ibang tao kasi nasa Gitna kami ng kalsada. Hindi ko nalamang pinansin yun, iniisip ko nalang na baka kung anong tunog lang yun na tumugma sa pangalan ko. Naka-uwi na kami ni mama at naalala ko ang tumawag sa pangalan ko. Kinagabihan mga 9:00pm kumain na kami (Apat na pamilya kaming nakatira sa bahay no'ng mga panahong 'yon) pag tapos ay nagpahinga onti. 


Natutulog ako sa ilalim ng hagdan namin sa may upuan. Mahilig akong mag puyat no'n kasi sa gabe lang malakas ang wifi namin dati. Around 2:00am no'ng natulog na ako, kakapikit ko palang no'n (literal na kakapikit lang) ng bigla akong nanaginip na parang totoo,

*Binubugbog ni ate neth ang pamangkin kong si babeng sa pintuan, sa sitwasiyong yun ay hindi ako makagalaw at pilit kong sinisigaw ang pangalan ni ate neth. ngunit ang sigaw ko ay pabulong, hanggang mawalan ako ng boses at nagising ako,*

Nagising ako at no'ng pagdilat ko ay nakatingin ako sa ilalim sa hagdan (Ang hagdan kasi namin ay walang harang kaya makikita mo ang 2nd floor namin) na parang may nakatingin din sakin. Agad akong nagdasal, hanggang nakatulog akong muli. Paggising ko ng kinaumagahan ay aking kwenunto agad sa aking mga kapatid, ang kanilang sinabi lamang ay ang mag dasal sa gabe (tama naman, magdasal sa gabe), ilang beses itong naulit hanggang ako'y mag grade 11. Napansin ko lamang na sa tuwing ma uulit ang ganong eksena ay mas nahihirapan akong gumising. Buong grade 11 dahil sa ilalim ng hagdan ang aking pwesto at wala akong katabe, madalas akong magising ng alas tres at sa tuwing gigising ako, ang paningin ko ay nakatutok sa may taas, minsan sa may cr, minsan sa may pinto at minsan panga'y magigising ako na nakatingin ako sa paanan ko na parang may nakatingin din sakin. (kinikilabutan ako guys).

Nag umpisa na akong magtrabaho at mediyo madalang nalang mangyare sakin ang sleep paralysis (may nabasa akong article na tumutugma sa mga nararanasan ko at kung tawagin nga ito'y sleep paralysis).
Bakasiyon non madalas akong mag gala at kung saan saan nagpupunta. One time nakaramdam ako ng hindi ako maganda. May isang gabe nakalimutan ko kung kailan. Nag iinuman kami nila king, zenzen, at lian sa bahay nila jhapjhap. At nakakaramdam ako ng di maganda non ng biglang nagdugo ang ilong ko at parang dumidilim ang paningin ko non.

Nag Grade 12 na ako mas lumakas ang Sleep paralysis ko. Sa isang buwan maraming beses na ako mag sleep paralysis at mas palakas ng palakas. July non. Kakatapos lang ng birthday ko. Nag celebrate kami sa SM Manila ng ka birthday. 

Kinagabehan non, masaya ako at hindi sumagi sa isip ko yung sleep paralysis. Mga isang linggo. May nararamdaman akong hindi maganda. Nanghihina ako mentally, spiritually at hindi ko alam kung bakit. may pinapagawa sila ditche na bahay na lilipatan nila non at madalas na silang wala sa kwarto nila. kaya nong mediyo nakakaramdam na ako na parang mag kakasakit ako. pinalipat ako ni mama sa kwarto nila ditche at sinabi na dun na muna daw ako pumwesto. Tumindi yung sakit ko na parang mamamatay na ako. tumitibok yung utak ko at grabe tumagas yung dugo sa ilong ko. Isang linggo din ako na laging nagigising ng hapon kasi dumudugo ilong ko at tumitibok ulo ko ng sobra.


Dinala ako ni mama sa National Children at chineckup ako (maraming naging rumours sakin na baka leukemia, highblood o baka may dengue). sinabihan si mama na baka may dengue daw ako at kinuhaan agad ako ng sample. Yung pakiramdam ko habang nasa hospital ako, parang pinaglalaruan ako kasi mawawala tapos biglang babalik tapos titibok ulit yung utak ko ng sobra na parang tutumba na ako. Nag negative ako sa Dengue.

Pinapunta kami sa isa pang hospital nakalimutan ko kung anong hospital yun at parang pinagtritripan nananaman yung nararamdaman ko. Sinabi lang samin na baka may sugat lang daw yung ilong ko at lagi daw linisin.. (Pota ang saya ko non kasi parang gusto kong sapakin yung doctor non. Nakakaramdam na ako ng parang mamamatay na ako tapos baka may sugat lang daw ako sa ilong?)
Lumipas ang panibagong buwan. August na. Nawala na yung nararamdaman ko. Mediyo nabubulabog ko na yung work ko non kasi napapadalas na yung AWOL ko. hindi na ako masiyadong na i-sleep paralysis. 

September, hindi na ako active sa work ko kasi naging sobrang busy ako sa school works ko.
May nakilala ako sa dating apps, Nagusap kami sa voice call. unang vc palang namin yun at madaling araw non. May narinig akong nagsasalitang bata na parang may kausap. tinanong ko siya kung sino ang kasama niya non, sabi niya naman wala. sabi ko "may naririnig kasi akong batang nag sasalita na parang may kausap". nagulat siya at parang natataranta, binuksan niya daw yung ilaw kasi wala daw siyang kasama non. Kinilabutan ako.

December, 31 mag newnew year. May patakbo takbo sa looban. Hindi ko pinapansin, Hanggang nakisigaw nadin siya. 

January, nag uumpisa na ako mag dasal bago matulog at nagiiwan ako ng Tugtog.

February na very creepy month na papatayin na ako kasi nakakasama ko na siya. 

February 22, Galing ako sa bahay nila king, tumambay kami dun. Pauwi na ako sa bahay 2:45am non. DUMAAN AKO SA PLAZA AT DUON TALAGA AKO DUMADAAN KAHIT ANONG ORAS PERO 3:00AM HINDI MOKO MAPAPADAAN DUN. 2:45am sinakto ko talaga ang umuwi ng ganyng oras kasi minsan may naabutan pa akong tao na nakatambay duon pero nong araw nayon ay wala. natatakot ako non, nong palabas na ako ng court sa plaza may gate akong nadaanan at may naaninag ang gilid ng mata ko ng taong nakatanday duon at grabe ang tindig ng balahibo ko. biglang bumibilis ang lakad ko at tinadtad ko ng chat si king non. natakot ako sobra kaya napadasal ako. wala kasi talagang tao non. *YUNG NAANINAG KONG ANINO AY SINUSUNDAN AKO NG TINGIN* AT NAREALISE KONG SINUSUNDAN AKO. 

Natulog ako non. Wala naman akong napanaginipang masama. Pero nong paggising ko ng hapon. kumain kami sabay sabay nila mama at nila sanse. Nagtiktok pa ako, pero nakaramdam ako ng antok. Kaya umakyat ako tapos napahiga ako, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. mediyo malalim na ang tulog ko.

*BIGLA AKONG INATAKE NG SLEEP PARALYSIS AT NAPAKALAKAS NETO SWEAR.*


Sa Sleep paralysis ko. Kinakausap ko daw si sanse at ang sabe niya sakin "mamimili ka muna sa tatlo". nagising ako bigla at nakita ko ang pamangkin kong si KALBO sa gilid ko na naka upo tapos bigla kong sinakal kasi alam kong hindi siya yun kasi nakalock yung kwarto ko. Habang sakal ko siya bigla siyang nag anyo sa anino, at nakikipaglaban siya sakin. Sobrang lakas niya. sakal sakal niya din ako pero pinipilit ko siyang dalhin sa pintuan ko para ipakita kay sanse at bigla kami napunta sa kwarto ni sanse ng hindi ko alam. SUMISIGAW AKO NG SUMISIGAW NG "SANSE" MULA SA MALAKAS NA BOSES AY PAHINA NG PAHINA ANG BOSES KO NON NA PARANG NAWAWALAN NA AKO NG HININGA. PINIPILIT IPASOK NG ANINO YUNG DILA NIYA SA BIBIG KO AT NARARAMDAMAN KONG GUSTO NIYANG SUMANIB SAKIN *GOOSEBUMPS, KINIKILABUTAN AKO SOBRA GUYS*. nong mawawalan na ako ng boses, sumigaw ako ng papilit kasi wala na akong boses at pinilit ko paring sumigaw. nagising ako at arealise ko na SLEEP PARALYSIS yun. Tumakbo ako at sumigaw ng Sanse. Nakita ko si sanse na pababa katulad ng nakita ko sa panaginip ko. Kumapit agad ako sakanya at umiyak ako ng sobra at GRABE YUNG LUHA KO PARANG GRIPO. kwinento ko yung tungkol sa nakita ko at nakalaban ko sa panaginip ko. ramdam na ramdam ko yung laban na nangyare samin physically at spiritually, ramdam na ramdam ko yung pano niya ako hinawakan at ramdam ko yung pagod na nangyare sakin pag tapos non. RAMDAM KO YUNG DILA NIYA NAPINIPILIT NIYANG IPASOK SA BIBIG KO. 

nag kwento si sanse at ate maly na kinagabihan daw non (Feb 22) may nakita daw silang anino na pumasok sa cr at akala daw nila ako yun kasi bukas daw yung ilaw at pinatay nila yung ilaw pag alis nila. 

Pag balik daw nila ay bukas nanaman daw ang ilaw pero wala naman daw ako dun kasi nakalock yung kwarto ko. iyak ako ng iyak non habang nag kwekwento sila.

At pag tapos non, lagi akong may kasama. mula sa pag tulog at pagkain.

One time nakasama ko siya sa pagligo.

Tumambay kasi sila bella, king, at cheng dito sa bahay at natulog sa kwarto. kinaumagahan umuwi na yung dalawa at naiwan si bella. Mga hapon na nong nag aaya na si bella na uuwi na siya. sabi ko maliligo lang ako. habang siya nasa kwarto ako naman ay naliligo. May salamin kasi sa cr. Sa cr ay lagi kong naaaninag ang anino sa may pintuan (ang pinto kasi namin sa cr may uwang onti na makikita mo yung kusina sa salamin). Nong may nanaaninag akong anino sa cr ay parang nasisinga ako na ewan. Kaya suminga ako, nong suminga ako ay fresh na dugo ang lumabas, mainit init pa at mediyo nahilo ako, napatingin ako sa salamin at naaninag ko siya sa harapan ko, pag yuko ko ay nakita ko ang bakas ng maliit na paa sinubukan kong hawakan, yung bakas ng paa ay galing sa langis at bagong bago pa. hindi pwepwedeng paa ko yun kasi ang paa ko ay size 41. natakot ako non sobra kaya dali dali kong tinawag si bella.

buong February siya nakasunod sakin at nag paparamdam. simula non, lagi na akong may naaaninag na dumadaan sa likod ko at nakakarinig ako ng mga ibat ibang uri ng ingay tulad ng sitsit at mga naguusap.


March naman, Natutulog ako at nagising ako ng 5am. Dumudugo ulit yung ilong ko na parang gripo. nahihilo ulit ako. nong magising kasi ako non parang may nakatingin sakin sa bintana. Kumuha ako ng yelo at nilagay ko sa ilong ko at ayaw paring tumigil. mga 10mins nag umpisa tumigil pagdudugo. grabe yung kalat ng dugo na ginawa ko. umakyat ako at nag dasal ulit ng sobra. Nagising ako ng hapon, i titweet ko sana yung pagdugo ng ilong ko kaso biglang nalaglag yung wall fan ko. Agad kong tinawag yung ate ko kasi nakita ko talaga kung pano nalaglag. Ang wall fan ko ay nakasabit at imposibleng malaglag yun. Ang tagal ng nakasabit niyan at never pang nalaglag.

At pagtapos non. I always pray na ng mas malalim. 

keep safe guys. 

maraming salamat. Hanggang ngayon kinikilabutan padin ako. Looban ng walang liwanag.

Kung nararanasan mo ang sleep paralysis, pilitin mong galawin ang mga daliri mo at wag kang gagalaw agad. Maaari kasing may mag appear na nakakatakot na image.

Kung nararamdaman mo mang may nakatingin sayo. Mag insenso kayo at ipagdasal niyo yung taong nakatingen sainyo. Baka kasi mahal niyo sa buhay yon o baka kaluluwang nag hihintay na makapasok sa katawan niyo.

Dagdag lang. Feeling ko nong nakalaban ko yung Anino sa panaginip ko, akala ko mamatay na ako nun kasi ramdam ko yung lakas niya at yung panghihina ko. pero salamat padin kay God kasi nagising ako non.

Kapag na i-sleep paralysis ka kasi, tapos paramg naisip mo na may kakaiba sa paligid mo. hindi ka mag popokus kung pano makakawala dun. Magpapanic ka talaga at Hindi mawawala ang boses mo, hihina lang yung boses mo.

I suffer from depression and anxiety 6 months before this scenario happened.

*dagdag lang kasi hindi ko alam na kakalat 'tong post ko.

The day after I post this story, Lot of people reach me through message to help and tell me what to do, I appreciate you all. My friend dianne is also experiencing what I'm experiencing. Tinulungan ako ni dianne how to overcome those demons that bothering me. (Nabasa niya kasi ang post ko the day after I post it) .

Sabi niya "Kumuha ka ng asin at ilagay mo sa isang lalagyan, Ipatong mo sa may altar niyo, siyempre as a friend na saksi sa mga nakikita niyang multo at dahil din sa may tita siyang albularyo, Sinunod ko siya para rin sa kaligtasan ko at ng nakatira sa buong bahay namin. Ginawa ko din ito kinagabihan. (The day kasi na Pinost ko 'tong story ko I'd never thought na mag ba viral agad.)

Habang nag-hahanda ako para gawin ang sinabi ng kaibigan ko, may hindi ako magandang nararadaman, kinikilabutan na ako sobra. (Ang altar kasi namin ay tabi lang ng pintuan, bungad agad ang altar namin kapag pumasok ka sa pintuan ng bahay.)


Dahil sa takot ko, pum'westo ako sa harap ng altar na bukas ang pintuan dahil natatakot nga ako, wala akong kasama sa baba no'ng time na gagawin ko 'yon dahil si mama ay nasa tindahan. Hinanda ko na ang asin na nasa shot glass, nilagay ko sa altar at rosaryo sa kamay ko. Hindi pa ako nag-uumpisa may sumisitsit na sa daanan na nagdala sa'kin para mas gawin ang pagdadasal sa rosaryo. Umupo na ako na bukas ang pintuan habang nasa harap ng altar at nag umpisa na. Habang nasa kasalukuyan ako ng pagdadasal gamit ang rosaryo at naglagay din ako ng asin sa kamay ko, papalakas nang papalakas ang sinitsit habang may nararamdaman na din akong nag lalakad sa gilid ko, mas nilakasan ko ang pag dadasal. Hindi ko na pinapansin ang mga gumagalaw sa paligid ko habang nasa kalagitnaan na ako nang pagrorosaryo, no'ng tumigil ang pag sitsit bigla akong dumilat at may dumangaw sa gilid ng pintuan na kulay itim na puti ang mata na nagdala sa'kin para magsisisigaw, Habang dinadasal ko ang 'Ama namin' ng pasigaw na may kasabay na pagtawag kay mama dahil sobrang takot na ako. Mas nilakasan ko ang pagsigaw at dumating na nga si mama ng mabilis at ate ko na dale dale ring bumaba dahil nagulat sa sobrang sigaw ko. 

Sa sobrang takot ako ay naluha at nanginginig sa takot at kinikililabutan. Nagalit si mama dahil bakit ako nagdadasal sa harap ng altar na bukas ang pintuan, pero kinuha ni mama ang asin sa kamay ko at asin na nasa shot glass. Pumunta kami sa k'warto ko at sinaboy ni mama ang asin sa buong k'warto at pinatong sa bintana ang shotglass na may asin habang ako naman ay nanginginig at tuloy parin ang pag iyak sa sobrang takot. Sinabi ni mama na tumabi muna ako sakanya sa tindahan. Nasa tindahan na kami ni mama at hindi ko padin limot ang nakita ko na dumungaw. Tapos ko na ayusin ang higaan ko nang may narinig akong nagk'we-k'wentuhan sa labas at sinilip ko sa may onting butas sa harapan pero wala namang tao. Literal na wala, sinabi ko kay mama at sinabi lang niya na 'wag ko pansinin, magdasal at matulog.

I know it's hard to believe for the reason of lack of evidence. But I know these photos will help to prove that my stories are all real and base in my life experience. 

"Dalawa anino ko. Ang isa sa liwanag, ang isa ay katabe ko."


Jonrex Abaloyan Atacador | Credit to his Facebook account