Nang Dahil sa Pakwan, Isang Magsasaka, Big Time na! - The Daily Sentry


Nang Dahil sa Pakwan, Isang Magsasaka, Big Time na!



Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Sadya nga namang kahanga-hanga ang mga Pilipino pagdating sa diskarte sa buhay. Kaya naman hindi nasusukat sa taas ng pinag-aralan ang pag-asenso ng karamihan. Sipag, tiyaga at determinasyon ang karaniwang susi sa pag-unlad at pag-abot ng pangarap.

Tulad na lamang ng kahanga-hangang kwento ng mag-asawang magsasaka na tubong Aklan, na ngayon ay nakamit ang mga pangarap dahil sa tiyaga at sipag.


Siya si Aling Helen, umasenso dahil sa pagsasaka ng pakwan. Kwento niya, dati ay sobrang hirap ng kanilang buhay at nangungutang lamang siya ng pangpuhunan. Tuwing nakakabenta sila ay pinangbibili nila ng pagkain na bigas at bagoong. Madalas din raw ay napapaalis sila sa mga inuupahang bahay dahil hindi sila nakakabayad.

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

"Galing ako sa pamilya ng magsasaka. ‘Yung napangasawa ko, magsasaka rin. Nangungutang ako para may maibentang pakwan. Kapag nakabenta kami, makakabili kami ng bigas at bagoong. ‘Yun lang ang pinapakain ko sa mga anak ko. Madalas din kaming mapalayas sa inuupahan namin kasi wala kaming pambayad.", ani Aling Helen.


Kanya ring ipinahayag kung paano sila nangutang noon ng paulit-ulit, nakaranas na malugi at mawalan ng pang-puhunan. Naranasan din nila na bagyuhin ang mga pananim, nawasak ang bahay at maubos ang lahat ng ari-arian.

Hanggang sa nanghiram muli siya ng pangbili ng binhi at pataba. Nagtanim at nagtiyaga hanggang sa hindi nila namalayan na unti-unti na palang lumalago ang kanilang negosyo mulas sa pagsasaka at ngayon nga ay naging pinakamalaking supplier ng pakwan sa buong Aklan.

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho



"Nangutang ako ng P50,000 para bumili ng Indian mango at pakwan na ibabagsak sa Maynila. Pero tinatapon na lang ‘yung Indian mango kasi nabulok na. Umuwi kami ulit ng Aklan. Umutang ako ulit ng P300,000 sa mga kaibigan ko. Pinambili ko ‘yun ng binhi at pataba. Doon sa unang-unang tanim namin, kumita kami ng 1.2 million pesos. Pero binagyo lahat ng tanim namin. Nawasak pa ‘yung bahay namin. Ubos lahat talaga."

Pero tinuloy pa rin namin ‘yung negosyo sa pakwan. Hanggang sa namalayan na lang namin na kami na ‘yung pinakamalaking supplier ng pakwan sa Aklan!", pahayag ni aling Helen.

Buong pagmamalaki din niyang ibinahagi na yung mga dating lupa na kanilang inuupahan ay nabili na nila ngayon. Nakapagpatayo na din sila ng sariling bahay at nakabili na ng mga sasakyan. 

Photo credit to Kapuso Mo, Jessica Soho

"Yung inuupahan namin dating lupa, nabili namin ngayon. May mga sasakyan na rin kami. At nakapagpatayo na kami ng sarili naming bahay.", aniya.

Nagbigay din siya ng payo sa tulad niyang magsasaka na huwag mawawalan ng pag-asa at isipin na darating ang araw na aasenso din sila.

"Hindi porket magsasaka tayo, dito na lang tayo sa lupa. Kailangan isipin natin na aasenso tayo!", pagtatapos ni Aling Helen.



SourceKapuso Mo, Jessica Soho