Nanay minaliit ang isang service crew: “Hindi kasi ako kumukuha ng ninang na di maganda ang work" - The Daily Sentry


Nanay minaliit ang isang service crew: “Hindi kasi ako kumukuha ng ninang na di maganda ang work"



Maraming kwento na ang ating nabasa sa social media patungkol sa mga magulang na ang tingin sa mga ninong at ninang ng kanilang anak ay taga bigay ng regalo o pera lalo na kapag darating ang kapaskuhan.
Photo credit to the owner

Pero hindi pagbibigay ng mga regalo ang pangunahing tungkulin ng mga ninong at ninang kundi ang magsilbing mga "co-parent" o katuwang ng mga magulang sa pag-alaga sa mga bata.

Kaya naman nakakapang-init ng ulo kapag mayroon tayong nababalitaang magulang na nanghihingi at demanding pa sa matatanggap na regalo o pera ng kanilang anak.

Samantala, isang kwento nanaman ang tiyak na magpapainit ng inyong ulo ang aming ibabahagi patungkol sa isang magulang na naghahanap ng mayamang ninong/ninang ng kanyang anak.

Sa Facebook post ng netizen na si Kath, ibinahagi nito ang usapan nila ng babaeng kukunin raw sana siyang ninang ngunit nagbago ang isip nito dahil ‘service crew lamang’ daw ang trabaho ni Kath.

Sa mga screenshots na ibinahagi ni Kath, mababasa ang tila bastos na pangmamaliit ng nanay sa kanya. 

Ayon sa nanay, akala niya ay sa office natatrabaho si Kath kaya gusto raw niya itong kunin na ninang ng kanyang anak, pero noong malaman niyang sa restaurant nagtatrabaho si Kath ay nagbago ang kanyang isip.


Pinagiisipan k pa naman n kunin kang ninang kasi akala ko maganda trabaho mo jan s abroad malaki sahod pero hindi pala,” sabi ng nanay.

Kulang pa sayo sahod mo at hindi ka makapagpakimkim sa anak ko,” dagdag ng nanay.

D kasi ako kumukuha ng ninang na di maganda ang work para kapag may need anak ko madali lang sila makakapagbigay,” sabi ng nanay.

Sinagot naman ito ni Kath at sinabing kawawa ang anak ng netizen dahil ginagawa nitong business ang pagkuha sa mga ninong at ninang na kanyang anak.

Ginawa mo pang business yang anak mo. Kawawa sayo. Di ka sana nag-anak kung iaasa mo lang sa mga ninang/ninong ang pangangailangan ng anak mo,” sabi ni Kath.

Sa ngayon ay umabot na sa 5.1k reactions at 7.1k shares ang post ni Kath habang sinusulat namin ang kwentong ito.

Narito ang buong post:

"AYAW KAY NINANG NA CREW.jpeg

Di ako mahilig magpost ng mga ganito, pero ang funny lang kasi kung paano ka mang-degrade knowing na UMAASA ka lang naman sa maibibigay ng mga future godmother/father ng anak mo. Kawawa sayo.

P.S Ayaw rin kitang maging kumare kasi wala kang pera"



***
Source: Facebook