“Nakapag-abroad ka lang. Kuripot ka na” Kumareng galit sa maliit na regalo ni Ninang - The Daily Sentry


“Nakapag-abroad ka lang. Kuripot ka na” Kumareng galit sa maliit na regalo ni Ninang




Marami sa mga netizens ang pinapaaalahanan ang lahat ng mga magulang ng kanilang mga anak na laging pakakatandaan ang mga natatanging tungkulin ng mga kinukuha nilang mga Ninong at Ninang sa binyag at ang partisipasyon nila sa tuwing may okasyon ipagdidiriwang.


Pangalawang magulang, yan ang pinakasentrong role na gagampanan ng mga Ninong at Ninang sa kanilang mga inaanak, ang mgaing ehemplo at katulong pagabay upang lumaking mabuti at may respeto.  



Katulad nalang ng kwento na ibinahagi ni Jin Ae, isang Ninang na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW), kung saan tinanggalan at isinoli sa kanya ang kandila sa pagiging Ninang dahilan lamang umano sa maliit na halaga na kanyang ibibigay para sa inaanak. 


“Ang akala ko magiging Happy, hindi pala. Kahit na maliit na halaga lng yan, ang importante galing yan sa aking puso.” malungkot na saad ni Jin Ae sa kanyang post. 


“Ng dahil lamang sa 500 pesos, hindi na ako Ninang.” dagdag niya. 


Ibinahagi din niya ang mga larawan ng naging palitan nila ng chats ng kanyang kumare. 


Si Jin Ae ang unang nag chat at nag-offer na magbibigay siya ng pera para sa inaanak. Kasabay ng pagpapasensya dahil maliit lang din kayang maibigay sa dami din daw ng kanyang inaanak. 


“Papadala ako ng pera para sa Inaanak ko, Madz.”


Tanong naman kumare niya kung magkano naman daw ang kanyang ibibigay. 


“500 lang Madz kasi hinati-hati ko din sa iba ko pang mga inaanak.” sagot ni Jin Ae. 


Dito na ikinagulat ng Nanay ng inanak niya na kung bakit 500 lang, napakaliit lang na halaga, “Ano naman mabibili niyan?” tanong nito. 


“Kung 500 lang naman, wag ka nalang magbigay, maawa ka sa limandaan mo,” sagot ng kumare niya. 


Ang akala ni Jin Ae ay nagbibiro lang ang kumare niya sa mga sinasabi nito dahil ngayon lang din daw niya kasi ito naranasan. 



“Hindi ako nagjojoke Mads. ‘Wag mo nalang yan ipadala, ako yung naawa sa 500 mo kung yan lang naman ang kukuhanin ko sa Palawan.” saad ng Nanay ng kanyang inaanak. 


“Hindi tumatanggap ang anak ko ng mga maliliit,” dagdag niya. 


Hindi maitago ng isang ninang ang pagkagulat    sa naging reaksyon at mga sinabi ng kanyang Kumare. 


“Hala siya. Ganun ba madz.” Sige hindi ko nalang din ito ipapadala kasi ayaw niyo din naman pala tanggapin.” 


“Merry Xmas Madz at sa aking inaanak.” sagot niya. 


Humantong pa ang kumare niya sa desisyong tanggalin si Jin Ae sa pagiging Ninang ng anak. 


“Hindi ka na kasama sa mga Ninang niya kasi napaka kuripot mo. Kainin mo yang P500 mo.” 


“Nakakakuripot niyong Ninang, dalawa na kayong kuripot.” galit na hirit ng kumare niya. 


Paliwanag naman ni Jin Ae na mabuti na nga din ngayon dahil makakapagbigay siya kaysa dati na walang-wala siyang maiabot sa mga inaanak.  


“Magbibigay nga ako ng 500, ayaw mo din tanggapin kasi maliit lang. Ano pala gusto mo yung may tatlong zero?.”


Tila ibang-iba ang naging asal ng magulang ng inaanak ni Jin Ae, na sinabihan siyang walang kwentang Ninang. 


“Naka pag-abroad lang kayo, naging kuripot na kayo. Wala kayong mga kwentang mga Ninang.” 


“Hindi na kayo Ninang ng anak ko.”


Marami sa mga magulang ngayon ang tila nasisilaw sa mga materyal at pinansyal na mga bagay para sa kanilang mga anak. Ang imbes na turuan sa pagpapaintindi kung ano mabuti at tama, ay tila sila pa itong promotor upang gawing habit ang paghihingi at pag-eexpect ng mga magagarbong regalo sa kahit ano pang okasyon.



Narito ang kanyang buong kwento: 


Ang akala ko magiging Happy, hindi pala. Kahit na maliit na halaga lng yan, ang importante galing yan sa aking puso.


Nang dahil lamang sa 500 pesos, hindi na ako Ninang.


Dati hindi naman ako magbibigay kasi wala naman akong pera. Habang ngayon, imbes na meron ng maibigay, ayaw namang tanggapin dahil maliit lang.


‘Di nalang kaya ako magbibigay, baka iba na naman aking mababasa. 


Ang hirap. No to Ninang nalang ako. hahaha


Andami ko ng inaanak tapos wala naman akong anak. Bahala na kayo diyan. 






***

Source:  Jin Ae

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!