Misis, ipinamigay ng kanyang mister sa ibang lalaki dahil sa kahirapan ng buhay - The Daily Sentry


Misis, ipinamigay ng kanyang mister sa ibang lalaki dahil sa kahirapan ng buhay



Kung ang ibang lalaki ay sobra sobra kung magselos kapag ang kanilang girlfriend o asawa ay nilalapitan ng ibang lalaki, kakaiba naman ang isang mister na nagawang ipamigay ang kanyang misis dahil umano sa hirap ng buhay.
Screencap from Lorry Aquino Talita Youtube video / Photo from Sasafeed

Ayon sa kasabihan at sa mata ng Diyos, ang pagsasama ng mag-asawa ay sa “hirap man o sa ginhawa.” Hindi dapat maging dahilan ang kahirapan ng buhay upang iwan ang isa’t isa.

Ngunit hindi natin maitatanggi na mayroon talagang mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin maiiwasan. Katulad na lamang ng isang babae na iniwan ng kanyang asawa dahil wala na raw itong maipakain sa kanila.

Ikinagulat ng vlogger na si Lorry Aquino Talita ang kwento ni Mae Salangsawa, 25, mula sa Bulacan.

Plano lang sanang bigyan ni Lorry ang misis ng grocery items nang mabanggit nito na ikalawang asawa na pala niya ang kanyang kinakasama.
Screencap from Lorry Aquino Talita Youtube video / Photo from Sasafeed
Screencap from Lorry Aquino Talita Youtube video / Photo from Sasafeed

Kwento ni Mae, nahirapan na raw umano ang kanyang unang asawa na buhayin siya kaya ipinaubaya nalang siya sa ibang lalaki.

Mabuti na lamang at hindi sila nagkaroon ng anak ng una niyang asawa. Sa ngayon ay tatlo na ang anak ni Mae at ng kanyang kinakasama.

Ayon kay Mae, sinasaktan raw siya ng kanyang lolo noon at ito ang naging dahilan ng maaga niyang pag-aasawa.

Dagdag pa niya, isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang ina ngunit wala naman daw itong pakialam sa kanilang magkakapatid.

Ang asawa ni Mae ay dating dispatcher ngunit dahil walang biyahe ang mga pampublikong sasakyan ay wala rin itong trabaho.
Screencap from Lorry Aquino Talita Youtube video / Photo from Sasafeed
Screencap from Lorry Aquino Talita Youtube video / Photo from Sasafeed

Gutom daw talaga ang kanilang inaabot at madalas ay isang beses lamang daw sila kung kumain sa isang araw.

Sa ngayon ay dumidiskarte na lamang ang asawa ni Mae sa pagiging bantay parking sa mga bukas na establisyimento kung saan kumikita ito ng P100 na pinagkakasya nila sa isang buong araw.

Labis na nadurog ang puso ni Lorry sa kwento ni misis kaya ibinigay na niya ang mga dalang grocery items sa pamilya ni Mae.

Nangako rin siyang mangangalap pa ng tulong para kay Mae at sa pamilya nito at sa susunod na pagdalaw, ay ipapa-check up nila ang apat na buwang gulang na bunsong anak nito. 

Panoorin ang video sa ibaba:

Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:






***