Mga beauty queen contestants nahulog matapos bumigay ang tulay na kanilang kinatatayuan - The Daily Sentry


Mga beauty queen contestants nahulog matapos bumigay ang tulay na kanilang kinatatayuan



Nasa 30 na mga beauty queen aspirants ang nahulog at sumubsob sa isang pond matapos ang biglaang pagbagsak ng tulay na kanilang kinatatayuan.
Photo credit: Viral Press

Ang mga nag-gagandahang kandidata ng Miss Thailand ay nagsasagawa ng kanilang pictorials sa ikalawang araw ng kompetisyon sa Chiang Mai, Thailand nang biglang bumigay ang ‘hanging bridge’ kung saan sila nakatayo.

Nangyari ang insidente sa isang sikat na café.

Kasalukuyang kinukuhaan ng litrato ang mga aspiring beauty queens habang nasa tulay sila. Kanya-kanyang pose ang mga kandidata ng mangyari ang hindi inaasahang insidente.
Photo credit: Viral Press
Photo credit: Viral Press

Marahil hindi kinaya ng tulay ang bigat at dami ng mga kandidata kaya bumigay ito at bumagsak na naging dahilan ng pagkabasa ng mga beauty queens.

Tatlong kandidata umano ang nagtamo ng minor injuries; ang isa sa kanila ay nagkaroon ng sugat at pasa sa noo, ang dalawa naman ay nagkaroon ng mga gasgas.
Photo credit: Viral Press

Agad naman silang dinala sa ospital upang malaman kung mayroon ba sa kanila ang nagkaroon ng bali o pilay sa katawan. Kalaunan ay pinalabas din sila.
Photo credit: Viral Press

Nangako naman ang may-ari ng restaurant na si Worapot Chatkanjana, 43, na sasagutin nito ang hospital bills ng mga nasugatang kandidata. Nagbigay siya ng 500,000 baht o P800,000 pesos na panggastos at ipapalinis din umano niya ang kanilang mga kasuotan.

I’ll also pay for the other contestants to have their dresses cleaned professionally," sabi ni Chatkanjana.

Aniya, nagtataka siya kung bakit biglang gumuho ang tulay na alam niyang matatag at matibay.
Photo credit: Viral Press
Many of the contestants could be seen laughing having found their feet after the fall / Photo credit: Viral Press

I don’t know why the bridge broke. It is strong, but it just could not handle the weight of the women. In the future, we will make improvements to the bridge to be even stronger” saad ni Chatkanjana.

Itinuloy naman ng natitirang 27 kandidata ang event. Makakabalik naman kinabukasan ang tatlong beauty queens.
A contestant laughed off the unexpected soaking / Photo credit: Viral Press

Ayon kay Dr. Adisorn Suddee, Director ng Miss Thailand 2020, 'unexpected' ang pagbagsak ng hanging bridge. 

Dagdag niya, sa Bangkok normal na ginaganap ang kompetisyon, ngunit inilipat nila ito sa Chiang Mai upang maipatupad ang kaligtasan at seguridad lalo na ngayong may Cov1d-19.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: ILY Blogs