Photo Courtesy: Jazz Pher Justo |
Kapagka bukal sa kalooban ang pagtulong at malasakit sa kapwa, hindi ito nasusukat sa istado at kakayanan sa buhay, mahirap man o mayaman, may kapansanan o wala, bata o matanda, basta napupuno ng kagalakan at pasasalamat ang iyong puso sa tuwing nakakapaghatid ng tuwa at pag-asa para sa iba.
Minsan sa panahon ngayon, kung sino pa yung mga taong nangangailangan din ng tulong ay sila pa yung may busilak na pusong handang tumulong sa iba.
Siya ay si Mang Romy isang Person with Disability o (PWD), may busilak na puso at kahit pa doble ang dinanas na kahirapan ay nakuha pang idonate lahat ang nalikom niyang pera na nagkakahalagang 6K sa isang simbahan sa Antipolo City.
|
"Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa. Nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k.,”saad ni Jazz Pher Justo, ang netizen na nagbahagi ng nakakaantig damdaming kwento.
Isa din sa Mang Romy sa mga nagpaabot ng kahit kaunting tulong sa mga kababayang nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
"Last month nagtungo sa Cityhall ng Marikina para personal iabot ang kanyang naipon sa palilimos na 12,000+ tulong nya ito sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses."
Silang mga katulad ni Mang Romy na nanghihingi-hingi ng mga barya-barya sa lansangan, sila pa kadalasan ang nahuhusgahan ng mga mata ng lipunan.
Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa.
Si Mang Romy na isang PWD (Stroke Patient) last month nagtungo sa Cityhall ng Marikina para personal iabot ang kanyang naipon sa palilimos na 12,000+ tulong nya ito sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Ngayon naman po nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k., si Mang Romy ay umattend ng Simbang Gabi at personal din nya ibinigay sa Pari ang kanyang mga naipon galing sa palilimos.
Kahanga hanga po talaga si Mang Romy kahit po meron siyang karamdaman at hirap din sa buhay ay patuloy parin ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa. 💕
***
Source: Jazz Pher Justo
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!