May edad na guro excited matuto ng Zoom para sa online class; mga studyante hindi sumipot - The Daily Sentry


May edad na guro excited matuto ng Zoom para sa online class; mga studyante hindi sumipot



Karamihan sa mga matatanda o may edad na ang nahihirapang gumamit o matuto ng mga gadgets na ating ginagamit sa kasalukuyan. Naiintindihan natin ito dahil ipinanganak sila at lumaking walang mga gadgets.
Photo credit: Nuha

Ang nakakamangha at nakakatuwa, karamihan sa kanila ay pinipilit matuto kung paano gamitin ang mga makabagong teknolohiya lalong lalo na kung ito ay talagang kailangan at mapapakinabangan nila.

Sa kasalukuyan, ipinapatupad muna ang online classes sa ating bansa upang maiwasan ang pagkalat ng C0v*d-19. Ang mga gurong may edad na ay walang magagawa at pagpipilian kundi ang matutong gumamit ng gadgets.

Samantala, sa bansang Malaysia, ibinahagi ng netizen na si Nuha ang larawan ng kanyang ama, isang guro na may edad na ang excited na nagpapaturo sa kanila kung papaano gumamit ng Zoom upang makausap niya ang kanyang mga estudyante.

Ngunit ang excitement ng guro ay napalitan ng lungkot dahil wala ni-isa sa kanyang mga estudyante ang sumipot sa kanilang online class.

Ayon kay Nuha, ang simula ng kanilang klase ay 8:30am, ngunit 9:00am na ay wala pa rin kahit isang estudyante.

Pity my father, he’s conducting a class and not a single one of his students showed up. Until he had to call them one by one, and they didn’t even pick up. They know that my father will call them on days when they have classes, so they turned off their phones,” sabi ni Nuha.

He almost wanted to cry because he was so excited when he asked us to teach him how to create a Zoom meeting/Google Meet. But when he created it and no one joined, he got choked up, because only we know how his face was when he was excitedly asking us to teach him,” dagdag nito.
Photo credit: Nuha

Upang pasayahin ang kanyang ama, nagpasya si Nuha na sumali sa online class nito. Napatawa naman ni Nuha ang kanyang ama ngunit alam niyang nalulungkot pa rin ito. 

Hiling ni Nuha sana raw ay sumipot na ang mga studyante ng kanyang ama sa mga susunod nitong klase.


***
Source: Buzzooks