Isa sa pinakasikat at malaking artista ngayon sa showbiz industry si Marian Rivera na kilala hindi lang sa pagiging magaling sa pag arte kung hindi isa rin sa may pinakamagandang mukha sa industriya.
Nagtrending ang binitiwang salaysay ni Marian tungkol sa isyu ng pagsasalita ng ingles na ipinupukol sa kanya ng mga taong binabatikos ang kanyang karunungan sa pagamit ng banyagang wika.
"Kapag hindi ka magaling mag-Ingles pero maprinsipyo ka sa buhay mo, kapag mapagmahal kang anak, mabait kang kaibigan, ibig sabihin pa nu’n bobo ka?" buwelta ng Kapuso star.
Deritsahang sagot ni Marian na kung ang basehan ng pagiging matalino ay ang kagalingan ng isang tao sa pagsasalita ng ingles ay mas pipiliin niya na lang na 'wag nalang maging matalino.
Dagdag din niya na para saan pa ang pagiging bihasa sa ingles ng ibang tao kung wala naman itong diskarte sa buhay at kung hindi nila binibigyan ng halaga at importansya ang mga magulang at nakakalimot sa mga taong nasa paligid niya.
"Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumeskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, 'wag na lang akong maging matalino,"
Patuloy ang pagiging matagumpay ni Marian hindi lang sa kanyang trabaho maging man sa magandang pamumuhay nila DingDong Dantes ang ng dalawa nilang anak si Zia at si Sixto na kapwa nagmana sa kanila, parehas mga nag-uumapaw ang kagandahan at kagwapohan at posible ring sumunod sa kanilang mga yapak sa mundo ng pag-aartista.
***
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!