Menor de edad na mag-pinsan, nag construction para magkapera at makabili ng inaasam na bisikleta - The Daily Sentry


Menor de edad na mag-pinsan, nag construction para magkapera at makabili ng inaasam na bisikleta




Larawan mula kay Dexter Pandis

Viral sa social media ang post ng isang batang si Dexter Pandis matapos nitong ibahagi sa kanyang Facebook account ang ginagawa nila ng kanyang pinsan para makaipon ng pera upang makabili sila ng matagal na nilang inaasam na bisikleta.

"Hello po, ako po si Dexter 16 po ako taga Taytay Rizal. Pangarap po ng pinsan ko at ako na magkabike." ayon kay Dexter.


Naantig ang puso ng mga netizens sa ginawang pagbabahagi ni Dexter dahil ayon dito ay nagbubuhat sila ng mga bato sa isang construction site upang kahit paunti-unti ay makaipon sila ng kanilang pinapangarap ng bisikleta.

Larawan mula kay Dexter Pandis

Ayon pa kay Dexter, mayroon na umano silang magpinsan na naipon na isang libo mula sa pagbubuhat ng bato sa ginagawang bahay malapit sa kanila.


"May naipon na po kami na 1000 sa pagbubuhat ng mga bato sa construction." ayon ni Dexter.

Larawan mula sa Carousell

Kung kaya naman nagsabi din si Dexter sa mga makakabasa sa kanyang post na kung mayroon bike na hindi na ginagamit o handang ibenta sa kanila ng isang libo ay bibilhin na daw nila ito dahil sa pagkasabik na magkaroon ng sariling bisikleta.


"Palapag na lang po sa comments kung may bike po kayo na di na nagagamit, or pwede ibenta samin na P1,000." banggit ni Dexter.


Dahil dito ay isang netizen na si Manjit Reandi ang kaagad naantig ang puso dahil sa post na ito ni Dexter at biniyayaan niya ng libreng bisikleta ang dalawang mag-pinsan.

Larawan mula kay Manjit Reandi

"Early Gift for this hardworking kids. This is onyok and dexter, 16 yrs old and 12 yrs old. Both works as a part time construction worker, earlier today Dexter Pandis posted something that really caught my attention (screenshot posted) i was amazed at an early age napakasipag nila and both of them are studying,i liked the way he posted, hindi sya humihingi, he wanted to buy a bike from his savings from the construction, Dexter also works as a part time dishwasher  in a bakery owned by a family who are helping them aswell." pagbabahagi ni Manjit.


Basahin ang buong post ni Manjit sa ibaba:


"Early Gift for this hardworking kids 🙂

Larawan mula kay Manjit Reandi


Larawan mula kay Manjit Reandi

"This is onyok and dexter, 16 yrs old and 12 yrs old. Both works as a part time construction worker, earlier today Dexter Pandis posted something that really caught my attention (screenshot posted) i was amazed at an early age napakasipag nila and both of them are studying,i liked the way he posted, hindi sya humihingi, he wanted to buy a bike from his savings from the construction, Dexter also works as a part time dishwasher  in a bakery owned by a family who are helping them aswell. When i saw dexter's post with the comments (masipag talaga sya) i immediately asked my ever supportive cousin Andrew Generao to accompany me to buy 2 bikes for this well deserving kids, and there it is. Speechless din sila which ia nakakatuwa kasi even the owner of the bakery was crying when they saw the 2 new bikes for this kids.

Larawan mula kay Manjit Reandi

Larawan mula kay Dexter Pandis

"Ps: thank you for the very delicious dough maestra that you baked and cold brew 


****

Source: Manjit Reandi