“Maaaring hinadya ng pagkakataon at pinagtagpo tayo, kailangan namin ng tulong at kailangan mo rin ng tulong upang maibsan at makatawid sa gutom.”
Ito ang sinabi ng mag-asawang sina Judie Anne at Albert Aquino sa kanilang Facebook post matapos silang masiraan ng motorsiklo at tulungan ng isang lalaki.
Ayon kay Judie, papunta sana sila ng Cavite upang magdeliver nang bigla silang masiraan bandang Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.
Habang nakahinto sila ay may umaali-aligid raw na isang lalaki.
"Umaaligid aligid samin... Pasindi-sindi ng sigarilyo... Palakad-lakad. By that time, binubuksan na ng asawa ko yung harapan ng motor at bakas na ang nerbyos,” saad ni Judie.
Maya maya raw ay lumapit ang lalaki at tinanong kung anong problema. Hindi na rin ito nag-atubili at tinulungan na ang asawa ni Judie na ayusin ang kanilang motorsiklo.
Kinilala ang lalaki na si Ferdinand Pulido, isang mekaniko ng autoshop sa Leyte. Pumunta raw ito ng Maynila upang maghanap ng trabaho ngunit inabutan ng l0ckdown.
"Hindi makauwi at mamasukan sanang construction pero hindi makahanap ng trabaho kasi maraming test daw na hinahanap at kailangan. May 3 anak at puro babae na nasa probinsya," sabi ni Judie.
“Kita ko din sa kamay ni kuya ung nginig. Siguro dahil na rin sa gutom tapos natanong siya ng asawa ko paano siya nakakakain, sabi nya nanghihingi lang din daw sa mga tao,” dagdag niya.
Nanawagan naman ang mag-asawang Aquino sa mga autoshop owner na tulungan si Pulido upang magkaroon ito ng trabago.
“Kaya ng sabi ko sayo, hati na lang tayo sa kita namin dahil may apat na rin kaming anak at nagsusumikap din na sumadline para sa kanila. Kaya ramdam namin ung kagustuhan mo na makahanap ng trabaho at kumita para sa pamilya,” sabi ni Judie.
Narito ang kanyang buong post:
“Sinong magaakala na sa isang taong ito makaktagpo kame ng tinatawag na TULONG..at first oo aaminin namin ngduda kame, natakot..pero maling mali tlga ..ika nga at gasgas na gasgas nga na l KASABIHAN. "DONT JUDGE THE BOOK BY ITS COVER”
Maaring hinadya ng pagkakataon at pinagtagpo tayo, kailangan namin ng tulong at kailangan mo rin ng tulong..upang maibsan at makatawid sa gutom...gaya ng sabi ko sayo HATI LANG TAYO SA KITA NAMIN .dahil may 4 din kaming anak at ngsusumikap din na sumaydline para sa kanila..kaya ramdam namin ung kagustuhan.mo na makahanap ng trabaho at kumita para sa pamilya...
Around 10pm may na bid kame na byahe pa cavite at pick up area sa my SM MEGA MALL... pag ikot namin pa shaw, biglang tumigel ung motor namin...at salamat din po kina kuya, sa unang tumulong po samin ung naka truck at hinarangan po nila kame sa daan para makatabi sa gilid kase alam nila na pwede kameng mahuli.
Pagkagilid namin..agad na tumakbo sa isip ko na ipa cancel nlang ang delibery kase pano nga namin mahahatid sira ang motor plus pano kame uuwe sira amg service namin....tapos may isang lalaki na umaaligid aligid samin..pasinde sinde ng sigarilyo..palakad lakad, by that time binubuksan na ng asawa ko ung harapan ng motor at bakas na ang nerbyos..alam mya kung pano ung gagawen pero nauunahan ng kaba at isipin ung delivery pano namin mahatid malayo pa kame..tas si kuya na padaan daan,bigla xang lumapit nagtanong kung anong ngyare, nung una ngaalinlangan tlga ung asawa kase sa isipin na may matutulong bato oh baka makikiusyoso lang..pagkasabi namin na walang power nakikipag unahan narin xa sa asawa kong mangalikot ng wire,.tap dun tap dito .. hanggang sa inuutusan nya na ung asawa ko na ipadyak ung motor tas ayun ngkapower na..yehey ang galing..nung time na pinapanuod ko si kuya nasabi ko sarile ko na marunong xa..kase ung pagikot ikot nya ng mga wire..dont get me wrong wala po akong alam dun pero base kase ng pinapanuod ko xa paramg alam na alam nya ginagawa nya..tas ayun na nga nagtanong na dib ung asawa ko."buti marunong ka"? at dun na namin nalaman..
Siya si kuya FERDINAN PULIDO tubong LEYTE dati xang ngtatrabaho sa auto shop pero dahil ng pandemic inabutan ng lockdown dito sa maynila...hinde makauwe at mamasukan sanang construction pero hinde makahanap ng trabaho kase marameng test daw na hinahanap at kailangan..may 3 anak at puro babae na nasa probinxa....
Kita ko din sa kamay ni kuya ung ngining..siguro dahil narin sa gutom tapos natanong xa ng asawa ko pano xa nakaka kain sabi nya nghihinge lang din daw xa sa mga tao..kaya sna tlga matulungan xa dahil handa nmn xang mgbanat ng buto at hinde lang ang umasa sa iba kaso wala nmn natanggap sa kanya.
Kaya nananawagan po kame sa may mabubuting loob sa may mga AUTO SHOP po sana po maisinget nio po si kuya sa trabaho.. sa ganitong paraan man lang matulungan kita.”
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Inquirer