Tila dinurog ang puso ng mga netizens na nakasaksi sa hirap ng buhay at ng pinagdaraanan ng isang lola sa lugar ng Bauang, La Union.
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
Sa Facebook post ng netizen na si Khaye Pccaster, ibinahagi nito kung papaano niya nasaksihan ang paghihirap at pagsusumikap ng isang matandang babae na buhayin ang kanyang anak na may kapansanan at isang apo.
Ayon kay Khaye, pauwi na siya kasama ang mga kaibigan galing sa trabaho nang madaanan nila ang isang matandang naglalakad sa highway at may dala dalang mga plastic bottles at unan na sira sira. Dahil naawa ang mga ito ay pinasakay nila si lola sa kanilang sasakyan upang ihatid kung saan man ito patungo.
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
Nang tanungin nila ang matanda kung saan ito papunta ay dito nila nalaman na binebenta pala nito ang dalang unan kahit na sira sira na ito upang may ipambili ng pagkain.
Minabuti nina Khaye at ng kanyang mga kasama na ihatid na lamang si lola kung saan man ito nakatira at binilhan narin nila ito ng mga delata at tinapay.
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
Napag-alaman din nila na madalas daw talagang magbenta si lola ng kung ano-ano upang may ipambili ng pagkain. Nag-ambagan narin sina Khaye upang meron silang maibigay kahit na magkano sa matanda.
Mas lalo pang naawa sina Khaye at mga kasama niya nang makita nila ang daang tinatahak ng matanda papunta sa bahay nito.
“Biglang tulo luha nalang ng marating namin dahil sa nakita naming way kung saan sya naglalakad at nakita namin na ung anak nya na nasa edad 50+ ay may kapansanan at nakahiga lang sa mismong sahig(lupa) ksama ang apo nyang binata nag aayos naman ng mga basurang nakalkal nia siguro,” kwento ni Khaye.
Umaasa si Khaye na sa pamamagitan ng kanyang post ay maraming mabuting kalooban ang makatulong kay lola at sa kanyang pamilya.
Narito ang buong post ni Khaye:
“Para Maiparating sa kinauukulan😔
HINDI AKO/KAMI MAYAMAN PARA MABIGAY NAMIN ANG PANGANGAILANGAN NILA PERO SA WAY NA ITO UMAASA AKONG MARAMING MABUTING KALOOBAN ANG TUTULONG SA KANILA🙏🙏
Habang paUwi na Kami sa Office kaninang Bandang 3pm, may Nakita kaming matandang Babae na naglalakad lakad sa highway ng bauang Nakahawak ng Supot na May lamang mga plastic bottles at Unan na sira2x.. BigLa namin siyang hinintuan at binalikan sa kadahilanang Umuulan na at tuloy parin ang paglalakad nia... Agad agad na binabaan namin sia pinayungan at tinanong kUng saan ba sya pupunta at Yun na nga NAKAKADUROG NG PUSO ng sabihin nia sa amin na binebenta nya daw ang unan na dala nia para may pambili sia ng mauulam nila..Pinasakay na namin sia sa sasakyan namin para maihatid sa knila dahil alam naman nia Kung taga san sia, To confirm na tga Dun nga sya Huminto kmi sa store malapit sa tinuturo nyang way kung saan Ang bahay nila.. Binilhan na Muna namin sya ng mga delata at tinapay para Kht papano may makain na din sila at nabanggit sa amin na si lola pala ay laging nagbebenta ng kung ano2x para Lang May maibili sila ng Ulam kaya nag ambagan kami para may maiabot kaming pera sa knila kahit papano.... Nagtaka na Kami dahil ang sbe May anak naman dw sya duon at apo na ksama sa bahay...
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
Hindi parin kmi tumigil para maihatid namin si Lola sa bahay nila, Biglang tulo luha nalang ng marating Namin dahil sa nakita naming way Kung saan sya naglalakad at nakita namin na ung anak nya na nasa edad 50+ ay may kapansanan at nakahiga lang sa mismong sahig(lupa) ksama ang apo nyang binata nag aayos naman ng mga basurang nakalkal nia siguro😭😭😭
AT her age po sinisikap niyang maghanap ng paraan para maitawid ang kanyang pamilya sa gutom.
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
Imahe mula sa Facebook post ni Khaye Pccaster
#DAKILANG LOLA NG BAUANG LA UNION☀️”
***
Source: Facebook