Law Graduate, Nag-apply sa McDonald's bilang isang Crew, Rejected! - The Daily Sentry


Law Graduate, Nag-apply sa McDonald's bilang isang Crew, Rejected!



Photo credit to Liverpool Echo

Sinasabing ang edukasyon ang susi sa tagumpay ng isang tao. Kaya naman napakahalaga na makatapos ng pag-aaral sapagkat ito ang magiging daan upang makakuha ng magandang trabaho at magkaroon ng maayos at maginhawang buhay. Isang magandang kinabukasan ang siguradong nakaabang sa nakapagtapos ng kolehiyo.

Subalit marami din naman na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang pinalad sa buhay. Nariyan silang umasenso kahit walang hawak na diploma at pawang sipag at tiyaga ang ginamit upang umunlad.


Ano nga ba ang basehan sa magandang kinabukasan? At ano kaya ang basehan ng mga kumpanya kapag tumatanggap sila ng empleyado upang makapagtrabaho sa kanila?

Base ba ito sa taas ng kurso na tinapos o base sa abilidad kahit hindi nakapagtapos?

Bakit nga kaya may mga graduates na hindi natatanggap sa kumpanyang kanilang inaapplayan kahit na napakaganda ng 'credentials'.

Tulad na lamang ng isang law graduate na nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano siya na-reject sa kumpanyang nais pasukan, sa kabila ng kanyang natapos sa pag-aaral.

Siya ay si Eve Hammond, nakapagtapos sa Liverpool John Moores University sa kursong Law. 

Law Graduate, Eve Hammond | Photo credit to Liverpool Echo

Ayon kay Hammond, hindi umano siya tinanggap sa McDonald's na maging isang service crew kahit siya ay isang law degree holder.

Napagdesisyunan raw muna ni Hammond na mag-apply sa McDonald's bilang crew habang nag-hihintay ng trabaho ayon sa kanyang kursong tinapos. Kinailangan daw muna niya kasing magtrabaho at makapag-ipon dahil sa hirap ng buhay ngayon.


Kaya naman ng mag-aaply siya sa nasabing sikat na fast food chain, ay kampante diumano siya na matatanggap dito dahil ginawa naman raw niya lahat ang makakaya upang maging maayos ang kanyang interview. Mayroon na rin raw siyang experience bilang waitress noon na maaaring makadagdag sa 'chance' niyang makapasok bilang service crew.

Ganoon na lamang kalaki ang gulat ng 21 year old na si Hammond ng makatanggap siya ng email mula sa McDonalds na nagsasabing hindi diumano siya natanggap sa kanyang inaplayan dito.

Ayon diumano sa sulat ng McDonald's, napakarami ang nagnanais makapasok sa kanila upang makapagtrabaho at mahigpit ang ginagawa nilang pagpili sa bawat aplikante. At matapos ang masusing pagsasaalang-alang ay hindi nila maibibigay kay Hammond ang trabahong kanyang nais pasukin.

Photo credit to Liverpool Echo

Ngunit sa kabila ng rejection ng nasabing fast food restaurant, hindi naman ito ikinagalt ni Hammond, bagkus ay kanyang ibinahagi ang naturang post sa social media, hindi upang maglabas ng sama ng loob, kundi upang maka-'relate' sa iba na dumaranas din ng kakulangan sa oportunidad dulat ng pandemya.

"I’m not bitter and I wasn’t fuming, it was a throwaway tweet."

Photo credit to thee owner

"I think it’s because it’s so relatable to what’s going on in this situation [ coronavirus pandemic ] for other graduates, I just think it is a relatable tweet."

“There’s less opportunities that there would have been before the pandemic. It kind of feels like the world has stopped and there’s not much going on.” aniya.


Ang post niyang iyon ay hindi naman daw seryoso at hindi niya inasahan na makakakuha ng naparaming atensyon galing sa ibang netizens.

"I just posted it for a tongue in cheek joke, I wasn’t expecting to receive that kind of attention. I was expecting like 50 likes or something."

"I woke up and it had like three thousand and as the day went on, it kept on going up and up, I was just shocked.", paliwanag ni Hammond.

Matapos daw ang naturang post ay nakatanggap siya ng mga mensahe sa ibang McDonald's stores, na nag-iimbita sa kanya upang magtrabaho sa kanila.

"I’ve actually had people from other McDonald’s messaging me like, we’ll have you at our McDonald’s, stuff like that." ani ng Law graduate.

Marami rin daw siyang natanggap na suporta at messages na nag-aalok sa kanyan ng ibang job opportunities.

Photo credit to Twitter


Kaya naman nanatili daw siyang positibo na sa kabila ng hirap na makahanap ng trabaho at limited ang opportunites sa ngayon, kahit sa tulad niyang nakapagtapos ng pag-aaral, ay excited pa rin siyang harapin kung saan patutungo ang kanyang career.

"But I'm optimistic about the future, I’m an optimistic person. It’s obviously not an ideal situation but I’m excited to see where my career is going to go and what opportunities go my way.”, pagtatapos ni Hammond.



Source: Liverpool Echo