Matapos mag-viral ang kabutihang ginawa ni Kuya Ferdinan Pulido sa mag-asawang nasiraan ng kanilang motorsiklo sa may Shaw Boulevard, Mandaluyong, siya naman ngayon ang inulan ng tulong mula sa mga may mabubuting kalooban.
Si Ferdinan ay isang mekaniko ng sasakyan mula sa Leyte, sinubukan niyang makipagsapalaran sa Maynila ngunit hindi pinalad na makapasok.
Isang magandang biyaya ang dumating kay Ferdinan matapos mabalitaan ng isang organisasyon ang tunay niyang kalagayan na hirap at walang makakain at pangsuporta sa tatlo niyang naiwan na mga babaeng anak sa probinsya.
Photo Courtesy: Inquirer |
"Nag-usap kami na food na lang daw po ang kailangan niya kasi hindi na raw muna siya tutuloy umuwi ng Leyte kasi wala rin daw hanapbuhay doon, iniisip niya yung pang araw-araw ng 3 little girls niya kung uuwi siya na walang trabaho,” saad ni Ayla Conda.
Ngayon ay meron nading pinapasukang trabaho si Ferdinan, malaking tulong para sa panggastos niya at sa kanyang naiwang pamilya.
Marami ang namangha sa kusang loob na pagtulong ni Ferdinan sa ibang tao, kahit paman na siya rin sa sarili niya ay mas nangangalaingan din ng tulong.
Sa una, aminado ang mag-asawang kanyang tinulungan, na sila'y nakaramdam ng takot at pinagdududahan siya, ngunit hindi ito naging hadlang para kay Ferdinan upang tumulong sa nangangailangan.
Photo Courtesy: Inquirer |
“Kita ko din sa kamay ni kuya ung nginig. Siguro dahil na rin sa gutom tapos natanong siya ng asawa ko paano siya nakakakain, sabi nya nanghihingi lang din daw sa mga tao,” dagdga niya.
Marami sa mga netizen ang kinamamanghaan at sinasaluduhan ngayon si Kuya Ferdinan, "Restored humanity. Truly, the law of karma is real. when u offer a hand at someone, it will come back in a million times unexpectedly. Lesson: always choose to be good and be humble." komento ng isang netizen.
***
Source: Inquirer
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!