Mga larawan mula sa post ni Sidney Batino |
Kalat na kalat na ngayon sa social media ang mga larawan kung saan makikita ang mga donasyong damit na naka kalat lang sa kalsada at ilog sa Rizal.
Kung matatandaan, matindi ang naging pinsala ang iniwan ng bagyong Ulysses sa Rodriguez, Rizal kaya naman, marami sa ating mga kababayan ang nagpaabot ng tulong, kasama na dito ang mga damit.
Kaya naman, marami ang nadismaya at nalungkot na makitang balewala ang mga donasyong damit na hinayaan lamang naka kalat sa kalsada.
Ang mga larawan ay binahagi ng netizen na si Sidney Batino, na isa sa lubhang nalungkot dahil sa nakita.
“Para po sa lahat ng nagbigay ng relief sa Rizal, sana po maibigay sa mas deserving na mabigyan para hindi po matulad niyan, itinapon lang sa kalsada at sa ilog.
“Nakakasama lang ng loob ‘pag nakita mo na ganyan mangyari, na ‘yung ibinigay mong tulong sa kanila. Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong ‘yung hindi masayang ‘yung efforts at pagod.” ayon sa kanyang caption
Maraming netizen ang nanghinayang at nalugkot dahil sa hindi ito pinahalagan ng mga kababayan natin sa Rizal. Lalo na, marami ang sinadya pa ang ilang bayan sa nasabing probinsya para makapag hatid ng tulong sa mga nasalanta.*
Mga larawan mula sa post ni Sidney Batino |
Ayon pa sa isang netizen, baka dahil sa nangyari ay hindi na makatanggap ng tulong ang mga residente dito.
"Pag ganyan cla dyn bka sa susunod nd cla matulongan dyn.. Shempre dami nag iffort mag bigay ng damit pag kain. Tas mkkita ng donator tinapon lng.. Hayyyssss pilipino tlga.. Bka my nsabi pa cla ndaganda bago nla tinapon yan"
Mayroon namang iba na di napigilang magalit dahil sa sayang umano ang effort at pagod nila, ngunit ganito ang nangyari.
Mga larawan mula sa post ni Sidney Batino |
"biruin mo bro napupuyat kmi para mag pick up at mag repack ng mga dinadala dyn tas ganyan lng.. Pagod gutom at gastos para madala dyn mga damit na yan tas ganyan.."
"saklap talaga .nagpagod kna at nag effort tpos ganyan gawin sa naibigay mong tulong" ayon pa sa isang netizen