Kung may pulis na madungis, may isa namang pulis na magiting na nagligtas ng dalawang buhay - The Daily Sentry


Kung may pulis na madungis, may isa namang pulis na magiting na nagligtas ng dalawang buhay



 

Larawan mula sa HCA Production

Umapaw sa social media ang pakikiramay ng mga netizen kasunod ng pagkawala ng mag-inang sina Frank Anthony Gregorio at ina nitong si Sonya Gregorio matapos sumiklab ang mainit na argumento sa pagitan ng isang pulis na si Jonel Nuezca.


Dahil sa nangyaring ito ay hindi maiwasan ng mga nakasaksi na pag-initan ang organisasyon na kinabibilangan ni Nuezca.


Gayunpaman, hindi naman lahat ng miyembro ng PNP ay madungis ang pangalan, marami rin sa mga hanay nito ang may mabubuting kalooban na handang magsirbisyo at tumulong sa mga nangangailangan.

Larawan mula sa HCA Production

Katulad na lamang ng isang Facebook post kung saan ay ibinahagi nito ang kabutihang loob ni Patrolman Rey Manandeg na isang pulis sa Lingayen, Pangasinan kung saan ay sumagip ito ng dalawang buhay na nasa bingit ng alanganin.

Larawan mula sa HCA Production

Ayon sa Facebook post, habang nagpapatrolya umano si Manandeg ay bigla na lamang siya nakarinig ng sigawan na humihingi ng tulong, kung kaya hindi siya nagdalawang isip na lumangoy at sagipin ang dalawang babaeng nalulunod sa gitna ng malakas at malalaking alon sa dagat.

Larawan mula sa HCA Production

Basahin sa ibaba ang buong Facebook post:


"Kung may isang Pulis na dumungis sa  Hanay ng PNP at tumapos ng dalawang buhay, may Isa namang Pulis ang nagligtas ng dalawang buhay sa bingid ng kamatyan.

Larawan mula sa HCA Production
"Sya si Patrolman Rey Manandeg ng Tourist Police, Lingayen Baywalk, Lingayen, Pangasinan.


"Isang kabayanihan ang kanyang ginawa nang mailigtas nya ang dalawang babae na muntikan ng malnod sa Lingayen Beach. 

Larawan mula sa HCA Production
"Ayun sa kanya, habang sya at nagpapatrolya ay nakarinig sya ng mga sigawan na humihingi ng tulong, di na ito nag dalawang isip at agad nyang nilanggoy ang dalawang babaeng nalulun*d sa gitna ng lakas at laki ng mga alon. At sa kabutihang palad at pareho naman nya itong naisalba.


****


Source: HCA Production