Isang Japanese boy ang umantig sa puso ng mga netizens matapos kumalat ang mga larawan nito sa social media na nagpupulot ng mga basura katulad ng balat ng candy at plastic cups na iniwan ng mga taong namasyal sa beach ng Alaminos, Pangasinan.
Kilala ang Alaminos City dahil sa famous tourist attraction nito na Hundred Islands National Park.
Umani ng papuri ang ginawang paglilinis sa beach ng Japanese boy ganun din ang mga magulang nito na nagpalaki sa kanya ng mabuti.
Ang batang hapon ay anak ng isang government employee sa Dagupan City na nakapangasawa ng haponesa.
Ayon kay Hannah Galvez, CEO at Founder ng Olives, Inc. at Olives Language School na nagbbigay ng online and onsite courses sa Tokyo, Japan, itinuturo raw talaga sa mga Japanese students ang paglilinis ng kapaligiran.
Aniya, ang paglilinis ng mga studyante sa kanilang classroom ay upang matuto sila ng disiplna. Ang paglilinis naman ng kanilang paaralan ay upang maging responsable silang mamamayan.
“If you see things that are not right and may adversely affect other people, you have to do something. In Japanese schools, there are no janitors to clean the school. Everyday, the kids set a time to clean their room and whatever they used,” sabi ni Galvez.
Kwento ni Galvez, meron din daw isang Japanase na lalaki ang pumunta ng Baguio City at doon naglinis ng mga kalye.
“He tries to visit Baguio every year to clean,” sabi ni Galvez.
Aniya, hindi raw ordinaryong tao ang lalaking hapon dahil mayroon itong restaurant sa Tokyo.
“It is such a shame to us locals that we let a foreigner set an example in cleaning our own area,” sabi ni Galvez.
***
Source: MB