Photos courtesy of Facebook @Ralph Ace Uy |
Ayon sa isang kasabihan na, 'Ang sukatan ng kaligayahan ay hindi lamang makikita sa dami ng salapi o ari-arian sa mundong ito, bagkus sa pagmamahal na ating ibinabahagi at natatanggap mula sa iba'.
Ito na marahil ang maglalarawan sa isang matandang lalaki na nakadaupang palad ng isang netizen sa isang lugar sa Nueva Ecija habang sila ay papunta sa isang convinience store. *
Ayon sa kwento ng netizen na si Ralph Ace Uy, sobrang na touched siya sa kalagayan ng matanda na nakilala nyang si tatay Isagani.
Sa kabila ng pagiging salat sa buhay si tatay, nagawa pa rin nyang alagaan ang kawawang tuta. Kaya naman naisipan nyang ibahagi sa social media ang kahanga-hangang ginawa ng matanda.
Papunta sila ng kanyang girlfriend sa 7-eleven convinience store sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nang mapansin nila ang isang matanda na nakaupo sa lapag at may katabing bote ng gatas.
Agad nagpaliwanag sa kanila ang matanda na hindi daw kanya ang bote ng dede sa tabi nya kundi sa alaga nyang tuta (napansin ng matanda na nakatingin sila sa bote ng gatas).
Dagdag pa ni tatay, binigay lang daw sa kanya ang tuta na nawalan na daw ng ina at naaawa sya kaya kinupkop na nya ito. *
Photos courtesy of Facebook @Ralph Ace Uy |
"Anak hindi ako yung dumedede ha," paliwanag ni tatay Isagani sa netizen.
"Sa aso ko yan anak...Ibinigay sakin ng diko kilala, ala ng nanay yung tuta." dagdag pa ng matanda.
“‘Di ko naman kayang pabayaan lang din. Kawawa saka isa pa siya lang kasi makakasama ko sa Pasko,” paliwanag pa ni tatay Isagani sa kanila.
Nakaramdam ng kurot sa puso ni Ralph ang mga sinabi sa kanila ni tatay Isagani. Kaya hindi na sya nag-atubili na ibahagi ito sa kanyang Facebook account upang makahingi sya ng tulong mula para sa matanda at sa alaga na na rin nitong tuta.
Maraming netizen ang natouch sa kalagayan ni tatay Isagani at sila ay nagpaabot ng tulong sa kanya. Sa pangunguna ni Ms. Xtine Grace, hinanap nila si tatay upang magbigay ng donasyon. *
Photos courtesy of Facebook @Ralph Ace Uy |
Nang matagpuan nila si tatay sa Freedom Park ng Crossing Highway ng siyudad, nalaman nila ang mas malalim pa na istorya ng buhay nito.
Base sa detalye, nag-iisa na lang pala sa buhay si tatay at ide-demolish na pala ang dati nitong tinitirhan. Mabuti na lang at may mabait na pamilyang kumupkop sa kanya at anim na buwan na raw siyang naninirahan doon.
Ang tuta naman na hawak niya ay may dating may nag mamay-ari. Ngunit ngayon ay inaalagaan na niya ito dahil sa pangungulila na rin ni tatay sa kanyang sariling pamilya.
Marami pang mga tao ang nagbigay ng tulong kay tatay, ang iba pa nga ay personal na inabot sa kanya.
Mayroon namang nag-alok at gusto syang kupkupin at bigyan siya ng maayos na matutuluyan. Dahil sa kabutihang loob na ipinamalas ni tatay, bumalik lahat ito sa kanya dahil sa pagmamahal na ipinakita niya sa kanyang alagang tuta sa kabila ng pagiging hirap sa buhay. *
Photos courtesy of Facebook @Xtine Grace/Furr Lovers PH |
Patunay lamang ito na kahit tayo ay hirap sa buhay, mayroon pa rin tayong kakayahang magpakita ng malasakit at pagmamahal sa iba hindi man sa materyal na bagay.
Kayang-kaya nating ipakita sa ating kapwa na hindi lamang sa materyal na bagay masusukat ang kaligayahan ng isang tao lalo na ngayong kapaskuahan kundi sa pamamagitan ng pag-ibig at malasakit sa ating kapwa na syang tunay na diwa ng Pasko.
Maraming netizen sa isang FB page na Furr Lovers PH ang nagbigay ng pahayag ukol sa kabutihan ni tatay Isagani, marami din ang nagpaabot ng tulong sa kanya. Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Yung mga nakakaranas naman ng hirap sa buhay ang may magandang loob.. di naman sa nilalahat pero sa kanila kasi laging nakikita ang ganyan... God Bless you po tay" *
Photos courtesy of Facebook @Xtine Grace/Furr Lovers PH |
"Poor by money, rich by heart, Unconditional love. Sana ganyan lahat ang tao. Napakasarap lalo mabuhay. God bless and guide you tatay sana ma meet kita alagaan mo si puppy. I want to help you!"
"This broke my heart. Salute to tatay. Sana may maayos silang masilungan."
"Proves once again that dogs or cats, pets are heaven sent to the lonely. Kailangan ng tuta ng pagkain at pangangalaga. Kailangan ni Tatay ng kasama."
"Madami po sa akin nag message na gusto po nilang puntahan at tulungan si tatay pati na rin yung puppy.. sabi ko po maam Xtine Grace sa inyo makipag coordinate po para po maiabot yung tulong po nila. Nakakatuwa po masaya ang pasko ni tatay.. di ko po akalain na makakatukong din po pala yung pag post ko kay tatay." *
Photos courtesy of Facebook @Xtine Grace/Furr Lovers PH |