Photos from Facebook @Matthew Lepre |
Sikat na sikat ngayon sa social media ang isang job opening kung saan ay may malaki itong pasahod sa bawat papalarin na makukuha sa trabahong ito.
Isang gwapong milyonaryo ang naghahanap ngayon ng kanyang personal assistant na may napakalaking pasahod na nagkakahalaga ng $50,000 (Php2.4 million) sa isang taon. Kaya naman nagkakagulo ang mga netizen dahil sa balitang ito. *
Ang pagiging personal assistant ay maituturing na isa sa pinaka-magandang trabaho na makukuha sa panahon ngayon. Paano ba naman, bukod sa malaki talaga ang sahod dito, (dolyares po ang usapan dito) ay maari ka pang magtravel sa iba't ibang bansa.
At ayon sa milyonaryong ito na kinilalang si Matthew Lepre, naghahanap sya ng kanyang personal assistant na handang magtravel kasama sya sa iba't ibang lupalop ng mundo kung saan sya ay magtra-travel, all expense paid kasama na ang accommodation at iba pa.
Napag-alaman na isang college drop out pala ang gwapong milyonaryo na ito, at dumaan din sa hirap ng buhay, at baon sa mga utang mula sa kanyang mga loans noong ito ay bata pa lamang.
Isang Rags to Riches ang kwento ng buhay ng milyonaryong hunk na ito, at sino ang mag-aakala na siya na ngayong ang nagpapasahod ng malaki sa kanyang mga staff. *
Photos from Facebook @Matthew Lepre |
“I grew up in the western suburbs of Sydney relying on meal drops from the Salvation Army as my single mother couldn’t afford groceries, so I can unfortunately relate to the hard times people are currently facing,” kwento ni Mathew Lepre.
“The least I can do is give a job to someone who may be out of work at the moment and wanting to work from home.” ani pa nito.
Ngunit ang lahat ng paghihirap ni Lepre ay nagbago nang ito ay simulang magtayo ng kanyang e-commerce business. At hindi nagtagal ay naging matagumpay ang online business na ito ni Lepre at kumita ito ng napakalaking halaga at isa na rin syang motivational speaker.
Sa ngayon ay isa ng matagumpay na businessman si Lepre, at nagtra-travel ito sa iba't ibang parte ng mundo gaya ng Japan, Hawaii at Dubai. *
Photos from Facebook @Matthew Lepre |
At dahil sa napaka busy nyang schedule napag-desisyunan nyang maghanap ng personal assistant na makakatuwang nya sa kanyang mga negosyo.
Kaya naman kinakailangan na ang mga mag-aapply sa kanyan bilang personal assistant ay dapat may mga skills at competent enough para sa trabaho bilang personal assitant.
Ayon pa kay Lepre, ang isang mag-aapply sa trabahong ito ay dapat may mga katangian at kakayahan o skills na kanyang hinahanap gaya ng: Multi tasking, organized, marunong gumawa ng mga travel itineraries, proficient knowledge sa social media channels, mitikuloso at masipag at dapat may passport na valid sa loob ng 12 months.
Ang sino mang matatanggap sa trabahong ito sa tiyak naman na makatanggap ng malaking sweldo na $50,000 o Php2.4 million kada taon, at ibang mga fringe benefits gaya ng pagtra-travel sa 'iba-ibang pare ng mundo. *
Photos from Facebook @Matthew Lepre |