Grupo ng kabataan, inayusan at pinakain ang isang matandang pulubi - The Daily Sentry


Grupo ng kabataan, inayusan at pinakain ang isang matandang pulubi



 

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Talaga nga namang nakakalungkot isipin na mayroon tayong mga kababayan na kung tawagin ay mga palaboy sa kalye o mga taong walang mga sariling tahanan at umaasa lamang sa mga limos na ibinibigay sa kanila ng mga taong dumadaan.


Lalong pang nangangapa sa buhay ang mga palaboy ngayon dahil na rin sa pangkalahatang dinaranas na problema ng ating mga kababayan.


Ganoon pa man, malingit mangyari ang ginawang kabutihan ng mga kabataan sa isang matandang palaboy sa Bayan ng Davao de Oro kung saan ay kinupkop nila ito, binihisan at pinakain.


Sa mga larawan ng ibinahagi ng isang Facebook page na Provincial of Davao de Oro, kung saan ay nagtrending ito na makikitang ang mga kabataang ito na ginugupitan ang mahabang buhok ni tatay Totong at pinapaliguan ang kanyang madungis na katawan.

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Tila nga naman bihira ka nang makakita ng ganitong kabutihan sa kapwa ngayon lalo na't nagmula pa ito sa mga kabataan.


Ayon sa post, naawa umano ang mga kabataan kay tatay kung kaya naman nais nila itong tulungan at makitang malinis.


"Gitabangan namo siya kay naluoy mi ug arun makita namo siya nga hinlo. [Tinulungan namin siya dahil naawa kami at para na rin makita namin siyang malinis.]" ayon sa  post.

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Nagtulong-tulong ang pitong kabataan na gupitan, paliguan at bihisan si tatay Totong. Makikita sa mukha ng matanda ang kasiyahan na tila nabuhayan ito ng loob dahil sa ginawang kabutihan sa kanya ng mga kabataang ito.


Natapos ang ginawang pagbibihis kay tatay Totong na tila hindi mo na siya makikilala sa dati niyang itsura at parang ibang tao na ito matapos siyang maayusan.


Napag-alaman na ang mga kabataang tumulong kay tatay Totong ay mga sakristan.

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Dahil sa ginawang kabutihan ng mga kataang ito ay nakatanggap sila ng maraming papuri mula sa mga netizens.


Sa isang komento ng netizen sa post ay sinabi nitong noong kabataan pa umano ni Tatay Totong ay isa rin itong sakristan.


"Don't you know Totong on his younger days he was once a sakristan with his brother . 2 ni cla ptay na ang isa same sila ug experience sa kinabuhi. historical kaayo nga gi adopt siya mga sakristan kay sakristan man siya sa una. Very good kaayo ang SRP boys."

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Larawan mula sa Province of Davao de Oro

Basahin ang buong post sa ibaba:


"TRUE SERVANTS OF THE LORD | Giliguan, gigupitan, ug gipakaon sa mga sakristan sa San Roque Parish sa Mawab, Davao de Oro si Totong, usa ka palaboy sa kalsada sa Poblacion, Mawab.

 

"Si Totong nabuhi lamang pinaagi sa mga ginahatag nga pagkaon sa mga taong malabyan. 


"Tungod sa ilang kaluoy ug pagmahal kay Totong, ila kining giliguan, giilisan, gigupitan, ug gipakaon. 


"Sumala ni Teotristian Gomez Batutay, usa sa mga sakristan, "Gitabangan namo siya kay naluoy mi ug arun makita namo siya [nga] hinlo". 


"Tataw kaayo sa nawong ni Totong ang iyang kalipay sa maayong pagtratar sa iyaha sa mga kabatan-onan. 


"Anaa na karon si Totong sa pag-amping sa San Roque, Parish sa Mawab. 

"Good job, boys. Gipakita ninyo ang kinaiya sa tinuod nga Kristiyano- matinabangon, maluluy-on, ug aduna'y pagtan-aw sa isigkatawo ilabi na sa kabus, nanginahanglan, ug kadtong gikalimtan na sa katilingban. 


"Ang inyong gipakita maghatag kanamong paglaum nga bisan pa man panahon sa pagsulay, aduna gihapo'y mga tawong aduna'y bulawanong kasingkasing. Golden one, indeed! 


****


Source: Province of Davao de Oro