Isang lolo, namimigay ng libreng biscuit sa daan kahit kapos sa buhay - The Daily Sentry


Isang lolo, namimigay ng libreng biscuit sa daan kahit kapos sa buhay



Photo by Ter Dee


"It’s true what they say... the poor people are often the most generous."

Pinatunayan ng isang lolo na hindi hadlang ang edad at estado sa buhay sa pagtulong sa kapwa.



Pumukaw sa atensyon ng mga netizen ang ginawa ng isang matandang lalaki matapos magviral ang kanyang mga larawan sa social media.

Sa isang trending post ng ibinahagi ni netizen Ter Dee, makikita sa mga larawan na orihinal na kuha ng isang nagngangalang Rommel, ang matandang lalaki na kumakatok sa ilang bahay at namimigay ng biskwit sa mga taong nakakasalubong niya.

Photo by Ter Dee






Suot ang kanyang facemask, hindi alintana ng matanda ang pagod sa pamimigay at pamamahagi ng kanyang munting tulong sa mga taong hindi niya kakilala kahit may kahirapan na din siya paglalakad.



Photo by Ter Dee




Hinangaan din ng marami ang katangian ng matanda na kahit nasa gitna man tayo ng krisis o pandemya, ipinakita niya ang pananatiling panatag at relaxed habang sa pagbibigay ng kanyang munting tulong para sa iba.

"It’s true what they say... the poor people are often the most generous. Lahat magulo... si Tatang relax lng sa pamimigay ng Hansel."pahayag ng uploader.


Ani pa ng isang netizen, “Real love, concern, and kindness! Humanity in simple way. God bless po!”



Tunay nga na sa panahong marami ang nangangailangan, maliit man o malaki, mayroon tayong tulong na maibibigay. 

SALUDO KAMI SA'YO 'TAY! 

Source: 1