Isang grade 4 na estudyante, nagsauli ng bag na naglalaman 32k at iba pang mahahalagang dokumento sa PNP - The Daily Sentry


Isang grade 4 na estudyante, nagsauli ng bag na naglalaman 32k at iba pang mahahalagang dokumento sa PNP




Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista


Pinapurihan kamakailan ng Alfonso Lista Municipal Police Station, bayan ng Ifugao ang isang batang siyam na taong gulang na kinilalang si Gernan Jay Garcia, Grade 4 student sa Alfonso Lista Central School, matapos mag sauli nito ng isang bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento at tatlumpu't dalawang libong piso (P32,000). *


Ayon sa balita, pauwi na sa kanilang bahay si Gernan nito lamang Disyembre 21 nang makita nya sa tabi ng daan ang isang itim na pouch bag na nag lalaman ng mga pertinenteng papeles gaya ng mga dokumento sa bangko, mahahalagang ID cards at malaking halaga ng cash na umaabot sa 32,000 pesos.



Agad umanong dumiretso sa nasabing tanggapan ng pulisya ang grade 4 student at kaniyang ipinagbigay alam sa mga pulisya ang tungkol sa napulot nyang pouch bag.


Labis naman ang paghanga ng mga tauhan ng PNP Alfonso Lista sa ipinamalas ng katapatan ng batang ito kaya naman kanila itong ibinahagi sa kanilang Facebook page account.


Nagbigay pa ng qoute ang PNP Alfonso Lista sa kanilang caption mula sa sikat na American author na si Napoleon Hill para isalarawan ang katangian ni Gernan, "When you are able to maintain your own highest standards of Integrity- regardless of what others may do - you are destined for GREATNESS." *


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista


Kasabay nito, kanila nading inanunsyo sa publiko upang ipaalam sa tunay na nagma may-ari ng naturang bag upang kanila ng puntahan at kunin sa kanilang tanggapan.



At hindi naman nabigo ang PNP Alfonso Lista sa kanilang anunsyo dahil kinabukasan lamang, Disyembre 22 ay nagpunta na sa kanilang tanggapan ang nagpakilalang may ari ng nasabing bag kalakip ang pruweba na ito talaga ang totoong may ari.


Bilang pasasalamat ng may ari ng pouch bag kay Gernan, binigyan niya ito ng pera bilang reward at kanya ding pinasalamatan ang mga magulang ng bata dahil sa maayos na pagpapalaki nila sa kanilang anak.


Nais iparating ng Alfonso Lista Municipal Police Station sa ating mga kababayan ang pagiging matapat at integridad na taglay ni Gernan at nawa ay magsilbing ehemplo ang bata at karapat dapat lamang na gayahin ang ganitong mga katangian.*


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista


Nagpaabot naman ng pasasalamat at paghanga kay Gernan ang mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



"Ito ang patunay na may mga kabataan pading pinalalaki ng maayos ng mga magulang. Congratulations to the parents who inculcated the moral values to this kid! Nakakaproud! God bless you "


"Maayos Ang turo Ng magulang. Proud sa iyo Ang magulang mo. Pati teacher mo I'm sure very proud din sa iyo. Isinasabuhay mo ang kabutihang asal na natutuhan mo. Good job young man!"


"Sa gantong mga bata sana nag iinvest ang government. Sana mabigyan sya ng karampatang atensyon na mapag aral at maging mabuting ehemplo sa mga mas madami pang kabataan. Poverty will not be a reason para gumawa ng masama. At young age may prinsipyo nang tama. Kailangan na lamg hubugin." *

Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista



"Dito tayo sa mabubuting balita, kahit mahirap ang buhay may mga tao pa ding may busilak na puso. Sa panahon ng pandemic at magpapasko makakatagpo pa rin tayo ng mga batang mabubuti ang kalooban. God bless you at salute sa magulang ng batang ito!"



Samantala, nagviral naman ito sa social media at naging laman din ng mga balita. Marahil na rin sa kapupulutan ito ng magandang aral ng ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan. 


Sa kabila ng kabi kabilang hindi mga magagandang balita gaya na lamang ng nakaraang trahedya na gumulantang sa mga netizens dahil sa p@mam@ril ng isang pulis sa kanyang kapit bahay na mag ina, sa harap pa mismo ng kanyang anak.


Kung saan makikita sa video ang hindi magandang inasal ng bata na anak ng nasabing pulis na ayon sa mga nakapanood ng video, ang anak pa mismo ng pulis ang siyang naging dahilan kung bakit tuluyan ng nagawa ng kanyang ama ang trahedya ng mag inang biktima.


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista