Hinahangaan ang mga Pilipino dahil sa pagiging mapagmahal nila sa kanilang pamilya. Sa ibang bansa kapag dumating ka na sa edad na 18 ay maaari ka ng umalis sa poder ng iyong mga magulang.
Samantala dito sa ating bansa ay kahit magkaroon na ng kanya-kanyang pamilya ay sama-sama pa rin sa iisang bubong.
Ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tama ang ganitong sitwasyon. Dahil ang katotohanan ay kailangan din bumukod kapag mayroon ng sariling pamilya.
Ngunit ang pagbukod sa pamilya ay hindi kahulugan na kailangan mo ng pabayaan ang iyong mga magulang.
Ito ang madalas nating mabalitaan sa social media kung saan inaabandona o naiiwang mag-isa ang mga matatanda.
Katulad na lamang ng isang matanda na si lola Aida Paduyao, 90 years old na mag-isang namumuhay mula sa Ifugao.
Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar.
Hiling ng taumbayan na sana ay magkaroon ang buong bansa ng ganitong programa lalo na sa masamang imahe ng buong kapulisan ngayon.
Alam naman nating lahat na sunod sunod ang napapabalitang pang aabuso ng mga pulis sa kanilang kapangyarihan.
***
Source: Nation Press