Ang pagtulong sa kapwa ay napakasarap sa pakiramdam lalo na kung alam mong marami kang natutulungan. Kahit na sa kaunti at munting paraan ng pagtulong ay napakahalaga na nito sa mga taong nangangailangan.
Wala ring pinipiling edad ang pagtulong sa kapwa, mas maganda nga na habang bata pa ay natuturuan at natututo na ang kabataang tumulong sa kapwa tao.
Ito ang ipinamalas ng isang high school student na si Jarred Gaviola mula Muntinlupa Science High School nang gamitin niya ang kalahati ng kanyang scholarship allowance para mamigay ng pagkain sa mga utility at canteen staff ng paaralan na apektado ng umiiral na enhanced community qu@rantine noon dahil sa COVID-19 pandemic.
Matapos nito, sinimulan na rin ni Jarred ang sariling donation drive upang mas lumawak ang kanyang resources para makatulong sa mga higit na nangangailangan sa panahon ng krisis.
Jarred Gaviola / Photo credit: Facebook
Jarred Gaviola / Photo credit: Facebook
Narito ang buong post ni Jarred:
“Sharing how my donation drive started.
It started from my own scholarship allowance.
Because for me, there are many people who are hungry and needing food. They need more care as time goes by.
I used my scholarship allowance given by the local government to buy these milk packs and coffee sachets.
And after that i have decided to open my own donation drive so that I can help more people.
I am a proud scholar of Muntinlupa.”
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Jarred Gaviola | Facebook